PNP quarantine facilities, nakahanda kung sakaling magkaroon ng panibagong surge ng COVID-19

By Leo Sarne / Radyo Pilipinas

Siniguro ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force (ASCOTF) Commander Police Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na nakahanda ang mga quarantine facilities ng PNP kung magkakaroon uli ng panibagong surge ng mga kaso ng COVID-19.

Ito’y sa gitna ng pangamba ng mga health experts sa posibleng muling pagkalat ng COVID-19 dahil sa mga pinaluwag na quarantine restrictions.

Ayon kay Vera Cruz, ang PNP ay mayroong 137 isolation, quarantine, at admission facilities nationwide na may 2,673 bed capacity.

Pero sa ngayon aniya ay 223 beds o 8% lang ang okupado ng mga pasyente, at 92% ang bakante.

Sa kabila nito, sinabi ni Vera Cruz na patuloy na imamantine ng PNP ang kanilang mga pasilidad para muling magamit kung saka-sakali.

Pinayuhan naman ni Vera Cruz ang mga medical frontliners ng PNP na nakadeploy sa mga pasilidad na ito na samantalahin din ang pagkakataon para magpahinga at magpalakas ng immune system, dahil hindi aniya masabi kung magkakaroon uli ng surge ng kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.  (Radyo Pilipinas) – jlo

 

Popular

Palace hits Discayas over ‘misinformation’ on PH film center project

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Saturday slammed the camp of contractor couple Cezarah “Sarah” and Pacifico “Curlee” Discaya for claiming...

Eala reaches Guadalajara 125 Open finals

By Jean Malanum | Philippine News Agency Filipino tennis ace Alex Eala reached the Guadalajara 125 Open finals after beating American Kayla Day, 6-2, 6-3,...

PH, Cambodia to ink 3 key agreements in PBBM’s state visit

By Brian Campued The Philippines and Cambodia are expected to sign three agreements during President Ferdinand R. Marcos Jr.’s state visit to Phnom Penh on...

PBBM to discuss efforts vs. transnational crimes in Cambodia visit

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. will discuss expanding Philippines’ cooperation with Cambodia in addressing transnational crimes as well as collaboration in key...