DOLE mamadaliin ang claims ng OFW sa Saudi

Iniatas ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagbuo ng technical working group (TWG) upang mapabilis ang pagkuha ng claims ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagtrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) at napilitang umuwi noong 2016 kahit hindi pa nila nakukuha ang kani-kanilang mga suweldo at benepisyo sa pagtatapos ng kanilang kontrata.

Ipinag-utos din ni Bello na isama ang mga kinatawan ng OFW sa grupo ng makikipagpulong sa kanilang katuwang mula sa KSA upang mapabilis ang pagproseso sa claims ng may 9,000 na mga OFW.

Ipinalabas ang kautusan matapos ang matagumpay na pag-uusap sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at KSA sa pamumuno nina Bello at KSA Labor Minister Ahmed al-Rajhi sa ginanap na Abu Dhabi Dialogue sa Dubai noong nakaraang linggo.

Sa pagpupulong, pumayag si Al-Rahji na bayaran ang halagang P4.6 bilyong halaga nang hindi pa nababayarang sahod at benepisyo ng mga apektadong OFW.

“Magtatatag ng technical working group ang Kagawaran na bubuuin ng mga kinauukulang ahensiya ng DOLE, tulad ng labor office sa KSA, OWWA, POEA, gayundin ng mga kinatawan mula sa grupo ng manggagawa sa KSA, upang tukuyin ang lahat ng kinakailangang detalye para sa pagbibigay ng kabuuang kabayaran,” pahayag ng labor chief sa isang pulong kasama ang mga apektadong OFW noong Martes, Nob. 2.

Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay ang mga pangunahing ahensiya ng DOLE na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW sa buong mundo.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, isasapinal ng TWG ang lahat ng mga detalye, tulad ng eligibility, distribution mechanism, at documentary requirement, at ihahanda ito bago sa nakatakdang pagbisita ng KSA labor minister sa Disyembre ngayong taon.

“Nauunawaan namin ang inyong agarang pangangailangan dahil sa sitwasyon niyo ngayon at alam namin na mahigit apat na taon na kayong naghihintay na matanggap ang inyong pinaghirapan at karapat-dapat na sahod,” wika ni Bello. Binanggit din niya na umaasa siya na mabubuo at magpupulong ang TWG sa susunod na linggo.

Pinasalamatan si Bello ng mga dumalo sa pagpupulong na binubuo ng mga dating manggagawa na nagtrabaho sa KSA, at ng 20 pang OFW na dumalo sa pamamagitan ng ZOOM platform, dahil sa aktibo nitong pagtugon sa kanilang kaso mula nang manumpa ang kalihim sa kanyang tungkulin noong 2016. ### CPSD/ gmea – bny

Popular

Palace respects ICC’s confirmation of charges vs. FPRRD

By Brian Campued Malacañang on Thursday said it respects the International Criminal Court’s (ICC) latest ruling on the confirmation of charges against former President Rodrigo...

Political issues won’t affect PH’s hosting of ASEAN 2026 —Palace

By Brian Campued The Philippines’ hosting of the 48th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit in Cebu in May will push through amid current...

Palace won’t reject VP Sara’s travel request —Castro

By Brian Campued Malacañang will not reject any request for travel authority to be submitted by Vice President Sara Duterte, Palace Press Officer Claire Castro...

PBBM installs Mel Senen Sarmiento as new peace adviser

By Dean Aubrey Caratiquet After a press briefing announcement late Tuesday confirming Secretary Carlito Galvez Jr.’s decision to step down from his post, President Ferdinand...