Philippine Army, pinangunahan ang pagbabalik loob sa pamahalaan ng 12 miyembro ng BIFF

Labing dalawang (12) miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa ilalim ng Bungos Faction ang nag balik-loob sa 1st Mechanized Infantry(Lakan) Battalion, Armor (Pambato) Division, Philippine Army sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Datu Salibo, Maguindanao.

Pormal na naipresenta kay Colonel Pedro Balisi Jr., pinuno ng 1st Mechanized Infantry (Maaasahan) Brigade, na ginanap sa nasabing himpilan sa Brgy. Kamasi, Ampatuan, Maguindanao noong ika-17 ng Disyembre 2021.

Ang mga nasabing rebelde ay nagbalik-loob sa pamahalaan sa tulong ng Alkalde ng bayan ng Datu Salibo na si Hon. Solaiman M Sandigan Al-hadj, Ph.D, para tahakin ang mapayapang buhay. Kasama nilang isinuko ang kanilang sampung (10) matataas na kalibreng armas, kabilang dito ang isang (1) US Browning machine gun, cal .50 HB; isang (1) 5.56mm M16 Ultimax rifle; tatlong (3) 7.62mm M14 rifle; isang (1) 7.62mm M14 rifle; isang (1) Mauser sniper rifle at tatlong (3) sniper rifles, 7.62mm M14 (improvised).

Ayon kay Hon. Sandigan, ang lokal na pamahalaan ng Datu Salibo ay handang tumulong anumang oras, upang sa ganun ay maitaguyod natin ang ating mga pamilya. “Hikayatin natin lahat ang ating mga kasama na lumabas at magbalik-loob sa ating pamahalaan upang makamtan natin ang mga biyaya na ipinagkakaloob sa atin ng ating gobyerno,” dagdag pa ni Hon. Sandigan.

Ayon kay Col. Balisi “Simula sa araw na ito hindi na kayo tutugusin ng mga kapulisan at kasundaluhan kasi kayo’y nagbalik-loob na. Hindi kami titigil hanggat hindi natin matulungan maisalba ang iba pa natin mga kapatid na BIFF at hangad naming na maibalik sila sa gobyerno na buhay”.

Ang mga dating rebelde ay nakatanggap ng paunang pinansiyal at pangkabuhayan na tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Datu Salibo at sila ay kasalukuyang nasa pag-iingat ng 1Mech Bn para sa wastong disposiyon at proteksyon.

#sundalongMAAASAHAN
# AFPyoucanTRUST
#TatakArmor
#pambatonghukbo

Popular

Castro on VP Sara’s criticisms of P20/kg rice: No to crab mentality

By Brian Campued Malacañang on Thursday clapped back at Vice President Sara Duterte for the latter’s criticisms on the selling of P20 per kilo rice,...

PBBM declares ‘period of national mourning’ over death of Pope Francis

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in mourning the passing of Pope Francis, President Ferdinand R. Marcos Jr. has declared a...

P20-per-kilo rice to eventually be rolled out nationwide — D.A.

By Brian Campued “20 pesos kada kilo na bigas. Iyan ang pangako—at ngayon, sinisimulan na natin itong maisakatuparan sa Visayas region.” Such were the words of...

PH now ‘future-ready’ for digital realm with launch of 1st AI-driven data hub — PBBM

By Brian Campued Advancing the vision of a smarter and more digitally connected “Bagong Pilipinas,” President Ferdinand R. Marcos Jr. led the launch of the...