Liquor at gun ban, itinakda na ng Comelec

By Lorenz Francis Tanjoco | Radyo Pilipinas

Naglabas ng mga mga bagong resolusyon ang Commission on Election (Comelec) kaugnay sa idaraos na halalan sa 2022. Kabilang dito ang Resolution No. 10746 para sa “liquor ban” na epektibo mula Mayo 8 hanggang sa araw ng eleksiyon sa Mayo 9, 2022.

May mga tinukoy namang “exemptions” dito, gaya ng hotels, resorts, restaurants, at kahalintulad na “duly certified” ng Department of Tourism.

Maaaring maghain ng aplikasyon para sa exemption sa National Capital Region (NCR) regional election director o provincial election supervisors at kapareho sa kani-kanilang lugar.

Magkakaroon din ng “gun ban” o “firearms ban” sa panahon ng election period, batay sa Resolution No. 10728.

Bukod dito, inisyu rin ang Resolution No. 10741 para sa pagkakaroon ng mga Comelec  checkpoints upang maging epektibo umano ang implementasyon ng gun ban.

Sa Resolution No. 10747 naman, ipatutupad ang ban sa pagsasagawa ng “public works o infrastructure projects.”Ipagbabawal na rin ang release o paglalabas ng disbursements o expenditures ng public funds.

Sa Resolution No. 10743, nakasaad ang “deputization” ng mga tanggapan ng gobyerno upang matiyak ang malaya, mapayapa, tapat, at mapagkakatiwalaang eleksiyon.

At sa Resolution No. 10742, ipagbabawal na rin, mula Marso 25 hanggang Mayo 8,  ang appointment o hiring ng mga bagong empleyado, pagbuo ng mga bagong posisyon, pagtaas sa sweldo, paglilipat ng civil service employees, at suspension ng elective local officials.

Ang kopya ng bawat resolusyon ay mababasa sa official website ng Comelec. (Radyo Pilipinas) – jlo

 

Popular

PH now ‘future-ready’ for digital realm with launch of 1st AI-driven data hub — PBBM

By Brian Campued Advancing the vision of a smarter and more digitally connected “Bagong Pilipinas,” President Ferdinand R. Marcos Jr. led the launch of the...

4 iconic Filipino figures to get Presidential award

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. will posthumously confer the Presidential Medal of Merit on four iconic Filipino...

PBBM, First Lady to attend Pope Francis’ funeral

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. and First Lady Liza Araneta-Marcos will be attending the funeral of Pope...

PBBM, Japan PM Ishiba to meet April 29

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is set to meet Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru at Malacañan Palace on April 29, the Presidential...