By Leo Sarne | Radyo Pilipinas
Nailikas na ang lahat ng locally stranded individuals (LSI) kabilang ang ilang dayuhan at lokal na residente sa Siargao.
Ito ay kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang “mercy flight” ng Philippine Air Force mula Dis. 21-22.
Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, kabuuang 231 LSI ang nailikas ng kanilang C-130 aircraft patungong Villamor Air Base sa Pasay City.
Nagdala rin ang Air Force ng relief goods sa Siargao, Surigao, at Mactan, Cebu.
Patuloy na naka-deploy ang lahat ng air assets ng Air Force para sa relief operations sa Visayas at Northern Mindanao, kabilang ang mga bagong Black Hawk helicopter.
Tiniyak ng Air Force na gagawin nila ang lahat upang maihatid ang kinakailangang tulong sa lahat ng mga biktima ng bagyong Odette. (Radyo Pilipinas) – jlo