By Lorenz Francis Tanjoco | Radyo Pilipinas
Binuksan na sa publiko ang Manila Baywalk Dolomite Beach ngayong Martes, December 28, 2021.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), bukas ang Dolomite Beach mula December 28 hanggang December 29. Sarado naman ito sa Bagong Taon at muling magbubukas sa January 4, 2022.
Kakailanganin munang magparehistro sa online ang mga nais bumisita sa DENR Manila Bay Dolomite Beach Appointment System sa http://denrncrsys.online bago ang pagbisita.
Makatatanggap naman ang successful registrants ng email galing sa DENR para sa kumpirmasyon ng appointment.
Hindi naman papayagan ang mga batang nasa edad 11 pababa.
Narito ang slots para sa mga bibisita:
6:30-7:30 a.m.
8:00-9:00 a.m.
9:30-10:30 a.m.
11:00 a.m.-12:00 nn
1:30-2:30 p.m.
3:00-4:00 p.m.
4:30-5:30 p.m.
Pinaalala rin ang pagdadala ng vaccination cards, pagsusuot ng face masks, at pagpapanatili ng social distancing.
Bawal naman ang pagkain at inumin sa loob ng lugar, gayundin ang mga alagang hayop. Ipinagbabawal din ang paglalangoy, vaping, paninigarilyo, at pagkakalat. (Radyo Pilipinas) -ag