By Tom Alvarez | Radyo Pilipinas Lucena
Nadagdagan ang bilang ng mga bayan sa lalawigan ng Quezon na may naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng selebrasyon ng Bagong Taon, ayon sa tala ng Integrated Provincial Health Office.
Umakyat na sa 12 bayan ang may active cases ng nasabing sakit mula sa bilang na anim nitong mga nakalipas na araw.
Tumaas din sa 23 ang bilang ng aktibong kaso sa lalawigan sa pagtatapos ng taong 2021.
Samantala, magsisimula muli sa Lunes (Enero 3) ang pagbibigay ng booster shot sa mga kwalipikadong residente ng lalawigan, kasabay ng pagtuturok ng first at second dose vaccines kontra COVID-19 na gaganapin sa Quezon Medical Center, Lucena City. (Radyo Pilipinas)