By Jesson Tamondong | Radyo Pilipinas
Inihayag ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na pansamantalang isasara ang outpatient services nito simula Biyernes (Enero 7), kasunod ng muling paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Sa inilabas na anunsiyo ng NKTI, magkakaroon ng telehealth services para sa mga pasyenteng mangangailangan ng konsultasyon.
Magiging diskresyon rin aniya ng kanilang mga doktor kung bubuksan ang kanilang mga private outpatient clinics para sa mga pasyente.
Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga pasyente na makipag-ugnayan sa kanilang mga doktor para sa schedule ng kanilang appointment. (Radyo Pilipinas) -ag