Pagpapaikli ng hihintaying panahon para sa resulta ng COVID test, tinututukan na

By Racquel Bayan | Radyo Pilipinas

Puspusan na ang mga ginagawang hakbang ng pamahalaan upang maibaba ang turnaround time sa paglalabas ng resulta ng mga RT-PCR test.

Pahayag ito ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Secretary Vince Dizon, sa gitna ng pagdagsa ng mga sumasailalim sa COVID test, kasabay na rin ng naitatalang pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa Laging Handa briefing ngayong araw (Enero 10), sinabi ng kalihim na sa kasalukuyan, para sa mga umuuwing Pilipino sa bansa, nasa 48 oras hanggang tatlong araw ang hinihintay na panahon para sa paglabas ng resulta ng pagsusuri.

Sinisikap aniya nilang maibaba ang panahong ito.

Ito ayon kay Secretary Dizon ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) na paikliin ang quarantine at isolation period para sa COVID-positive na fully vaccinated healthcare workers na walang ipinakikitang sintomas ng virus.

Sa ganitong paraan aniya hindi mauubos ang mga heathworker sa mga laboratoryo at mga ospital. (Radyo Pilipinas) -ag

Popular

PBBM visits Tino-hit Negros Occidental

By Brian Campued As part of the administration’s commitment to supporting the recovery of communities devastated by recent calamities, President Ferdinand R. Marcos Jr. visited...

Palace dismisses Zaldy Co’s accusations vs. PBBM as ‘pure hearsay’

By Brian Campued Malacañang on Friday disputed the accusations made by former representative Elizaldy Co against President Ferdinand R. Marcos Jr., dismissing Co’s statement that...

ASEAN extradition treaty key to addressing transnational crimes —PBBM

By Brian Campued The signing of the Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Treaty on Extradition (ATE) is expected to strengthen regional cooperation in combating...

Gov’t top officials lead nation’s farewell to JPE

By Brian Campued “Maraming salamat, Tito Johnny. Paalam at salamat sa isang buhay na buong puso mong inalay para sa bayan.” President Ferdinand R. Marcos Jr....