Mga lugar na naka-granular lockdown sa bansa, 372 na

By Leo Sarne | Radyo Pilipinas

Mula sa 206 kahapon (Enero 13), umabot na ngayon sa 372 ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa bansa.

Base ito sa pinakahuling tala ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa PNP, ang National Capital Region (NCR) ang nangungunang rehiyon pagdating sa bilang ng mga lugar na napasailalim sa granular lockdown na nasa 103.

Pumangalawa ang Central Luzon na may 57 at ikatlo ang Calabarzon na may 32.

Samantala, lumalabas naman sa datos na 1,308 ang bilang ng mga apektadong indibidwal dahil sa granular lockdown.

Nananatili namang nakabantay ang PNP sa mga granular lockdown areas para sa seguridad at para na rin magpatupad ng health protocols. (Radyo Pilipinas) – ag

Popular

PBBM hails dedication to public service of 2025 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos awardees

By Dean Aubrey Caratiquet “They remind us that integrity and excellence must be at the heart of the work that we all do.” Amid the various...

Palace supports calls for ICI empowerment

By Dean Aubrey Caratiquet “Nararamdaman po ng Pangulo at ng administrasyon ang nararamdaman ng mga businessman kaya po patuloy ang ginagawang pag-iimbestiga, at patuloy ang...

PBBM encourages Filipinos to remain prepared for disasters

By Dean Aubrey Caratiquet “Higit sa pagbangon o pagresponde, mas mahalaga ang maging handa.” President Ferdinand R. Marcos Jr. underscored the importance of disaster preparedness and...

DHSUD expedites 2nd ‘Bayanihan Village’ for Cebu quake victims

By Brian Campued Consistent with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to provide safer and more comfortable refuge for the residents displaced by...