Repatriation flights sa OFWs na apektado ng COVID-19 pandemic, patuloy

By Kathleen Forbes  | Philippine News Agency

 

Tatlong repatriation efforts ang nakakasang isagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa buwan ng Pebrero.

Sa update ni Jose Cabrera ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (DFA-OUMWA) sa House Committee on Overseas Workers Affairs, magkakaroon aniya ng chartered repatriation flights ang DFA sa Doha, Dubai, Kuwait, at Riyadh.

Sa kabuuan, umabot naman sa 456,230 na Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic ang na-repatriate ng ahensiya hanggang nitong Enero 24.

Ang Department of Labor and Employment – Overseas Workers Welfare Administration (DOLE-OWWA) naman ay nakapagtala ng 900,455 na repatriated overseas Filipino workers (OFWs) sa ilalim ng kanilang “Uwian Na” program.

Nilinaw naman ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac na kaya mas mataas ang bilang ng OWWA kumpara sa DFA ay dahil kasama sa kanilang bilang ang mga OFW na bumili ng sarili nilang ticket.

Tinukoy naman ni Ramon Pastrana ng DOLE International Labor Affairs Bureau na mula sa 1,005,714 documented OFWs, 898,894 na ang napauwi nila sa kani-kanilang probinsya, 28,894 ang for repatriation, at 77,926 naman ang nagdesisyon na manatili sa kani-kanilang work sites.  (Radyo Pilipinas)   -ag

Popular

PBBM discusses eGovPH app benefits, commuter-centric transport, and online gambling in podcast

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. underscored his administration’s continued push for digital transformation in the government and the importance of transportation that...

PH secures 18 business deals with India during PBBM visit

By Brian Campued On the heels of the New Delhi leg of his state visit to India, which saw the signing of key agreements, including...

PBBM reaffirms PH commitment to international law in fostering regional peace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday cautioned against calling all competing maritime disputes on the South China Sea equal, as he...

PBBM pushes for PH trade pact with India

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the government is “ready to act” and will work closely with its Indian business...