Misteryosong nawawalang mga sabungero, umakyat na sa 20

By Leo Sarne | Radyo Pilipinas

 

Umakyat na sa 20 ang iniulat na nawawalang mga sabungero.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa pag-iimbestiga nila sa unang 10 sabungero na iniulat na nawawala mula sa Laguna at Maynila noong Enero 13, 10 pang sabungero mula sa Bulacan ang natuklasan nilang walong buwan nang nawawala.

Base sa impormasyong natanggap, ang 10 nawawalang sabungero sa Bulacan ay nanggaling din umano sa kaparehong cockfighting arena sa Sta. Cruz, Laguna na pinuntahan din ng ibang sabungerong nawawala.

Nabatid na unang napaulat ang apat na sabungerong nawawala sa Sta. Cruz noong Enero 13.

Sinundan ito ng isa pang insidente ng anim na sabungerong nawala sa Maynila sa kapareho ring araw.

Paliwanag ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, sinisilip na nila ang pattern sa insidente. Inaalam din nila kung may sindikato nga ba sa likod ng pagkawala ng mga sabungero. (Radyo Pilipinas)   -ag

 

Popular

Palace hits Discayas over ‘misinformation’ on PH film center project

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Saturday slammed the camp of contractor couple Cezarah “Sarah” and Pacifico “Curlee” Discaya for claiming...

Eala reaches Guadalajara 125 Open finals

By Jean Malanum | Philippine News Agency Filipino tennis ace Alex Eala reached the Guadalajara 125 Open finals after beating American Kayla Day, 6-2, 6-3,...

PH, Cambodia to ink 3 key agreements in PBBM’s state visit

By Brian Campued The Philippines and Cambodia are expected to sign three agreements during President Ferdinand R. Marcos Jr.’s state visit to Phnom Penh on...

PBBM to discuss efforts vs. transnational crimes in Cambodia visit

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. will discuss expanding Philippines’ cooperation with Cambodia in addressing transnational crimes as well as collaboration in key...