By Rodelyn Amboy | Radyo Pilipinas Batanes
Umabot na sa 78% o 7,996 mula sa eligible population o ang mga pasok sa maaaring makatanggap ng bakuna kontra COVID-19 ang fully vaccinated na sa bayan ng Basco, Batanes.
Ayon sa datos ng Rural Health Unit (RHU), naabot ang nasabing porsiyento matapos magsagawa ng dalawang araw na pagbabakuna nitong nakaraang linggo mula Pebrero 17-18, kung saan nabigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang nasa 360 indibidwal.
Karamihan sa mga nagpabakuna ay natanggap ang kanilang booster shot habang ang ilan ay natanggap ang kanilang ikalawang dose.
Higit sa 9,000 ang pasok sa eligible population kabilang na rito ang mga edad limang taong-gulang pataas mula sa kabuuang populasyon ng bayan na higit 10,000.
Samantala, nakatakdang ipagpatuloy ang pagbabakuna sa lugar oras na dumating ang suplay ng bakuna mula sa Department of Health (DOH) Region 2. (Radyo Pilipinas)
-ag