Implementasyon ng F2F class sa Sulu, pinaghahandaan na ng MBHTE

By Eloiza Mohammad | Radyo Pilipinas Jolo

 

Tatlong eskwelahan ang inaasahang makakapagsimula ng face-to-face class sa Sulu matapos maaprubahan ng Regional Office ng Ministry of Basic Higher and Technical Education (MBHTE) ang mga ito sa isinagawang risk assessment sa iba’t-ibang bayan sa Sulu at sa buong Bangsamoro Region.

Ayon kay Kiram Irilis, Schools Division Superintendent ng MBHTE Sulu, Bandang Elementary School sa Talipao District, isa sa Pangutaran District, at Panamao National High School Annex sa Panamao District ang inaasahang makakapagsimula ng limited in-person classes sa Sulu.

Bagama’t mayroon pang dalawang eskwelahan sa Jolo District ang kaniyang inirekomenda, hindi naabot ng mga paaralang ito ang panukatan ng MBHTE at Department of Education upang makapagsagawa ng ligtas na face-to-face classes.

Sa ngayon, dagdag pa ni Irilis, hinihintay pa nila ang pag-apruba ng pamahalaang panlalawigan ng Sulu at Sulu Task Force COVID-19 upang pormal na masimulan ang face-to-face classes.

Handang-handa na rin aniya ang mga guro nila sa pagbubukas muli ng paaralan para sa mga bata at 100% bakunado na silang lahat sa MBHTE Sulu. (Radyo Pilipinas)

-ag

 

Popular

PBBM pushes for MSME empowerment, digital trade at APEC

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. urged Asia-Pacific economies to empower micro, small, and medium enterprises (MSMEs) and...

‘Tumba’: Honoring the dead through the lens of Paoay

By Brian Campued Every All Saints’ Day (Nov. 1) in the small town of Paoay in Ilocos Norte, residents not only visit the graves of...

PBBM to OFWs: Gov’t working to reach you wherever you are in the world

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday assured overseas Filipinos that his administration is working to make...

First Couple graces ‘Thrilla in Manila’ 2

By Brian Campued Underscoring the administration’s commitment to supporting sports development and inspiring the next generation of Filipino athletes, President Ferdinand R. Marcos Jr. and...