By Rey Ferrer | Radyo Pilipinas
Nasa 36 na lang ang naitatalang average ng bagong kaso kada araw ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos ng OCTA Research, ang naturang bilang ay mula sa 51 cases noong nakaraang linggo.
Kasabay nito ang patuloy na pagbaba ng positivity rate na ngayon ay 2.9% na lamang.
Samantala,may bahagya namang pagtaas sa reproduction number ng Quezon City na 0.21 mula sa 0.19 noong nakalipas na linggo.
Sa huling ulat ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, may 307 na lang ang active COVID-19 cases sa lungsod. (Radyo Pilipinas)
-ag