Balasahan, imbestigasyon, ikinasa sa POEA

Dadaan sa malawakang revamp o balasahan at masusing imbestigasyon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kasunod ng mga ulat ng mga aktibidad kaugnay ng illegal recruitment at iba pang anomalya na kinabibilangan ng mga opisyal at tauhan ng ahensya.

Sinabi ni Labor Undersecretary Dominador Say na nakatuon ang imbestigasyon sa POEA sa mga ulat ng illegal recruitment ng mga tiwaling tauhan na nambibiktima ng mga overseas Filipino workers (OFWs), kabilang na ang mga direct hire workers.

“Noong Enero, nagkaroon ng reshuffle sa mga senior officials sa POEA. Ngunit ngayon, mas malalim na balasahan at revamp naman. Gagawin namin itong top to bottom at mayroong mga opisyal na matatanggal sa puwesto habang umuusad ang imbestigasyon,” wika ni Say.

Ang mga opisyal at empleyado sa ahensya na may direktang koneksyon sa pagpoproseso ng mga document ng mga OFW ang siyang pansamantalang maaalis sa puwesto habang isinasagawa ang imbestigasyon, dagdag pa niya.

Lahat rin ng mga security guard at janitorial staff sa POEA ay papalitan dahil karamihan sa kanila ay napaulat na nagagamit sa mga maanomalyang gawain, partikular sa pagpoproseso at pagpapalabas ng mga Overseas Employment Certificates (OEC), isang pangunahing requirement para sa deployment ng mga OFW.

Iniutos na rin ng DOLE ang pagkakabit ng mga CCTV camera sa lahat ng opisina at bahagi ng POEA maliban na lamang sa mga palikuran.

Una ng sinuspinde ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpoproseso ng mga OEC ng lahat ng mga OFW, kabilang ang mga direct hires, mula Nobyembre 13 hanggang Disyembre 1 upang magbigay daan sa imbestigasyon.

Samantala, nilinaw ni Undersecretary Bernard Olalia, na tumatayo ring OIC ng POEA, ang sakop ng suspensyon para sa aplikasyon at pagpoproseso ng OEC.

“Ang mga Balik-Manggagawa at mga manggagawa na mayroon nang naitatak na working visa ay hindi kabilang sa suspensyon, kasama na rito ang mga manggagawa na tinanggap ng mga international organization, miyembro ng diplomatic corps, mga miyembro ng mga royal family, at maging ang mga sea-based OFW,” ayon pa kay Olalia. (DOLE-PR)

Popular

Palace open to SALN transparency, says executive ready to comply

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Monday expressed support for lifting restrictions on public access to Statements of Assets, Liabilities and...

Palace orders implementation of 10-year plan to boost PH creative industries

By Dean Aubrey Caratiquet As part of the government’s progressive efforts towards growing the country’s creative industries, Malacañang ordered the widespread adoption of the Philippine...

Palace slams Paolo Duterte remarks on ICC’s denial of FPRRD’s request for interim release

By Dean Aubrey Caratiquet The Palace has reiterated that the Marcos Jr. administration has no involvement in the International Criminal Court (ICC) case of former...

PBBM personally visits DavOr to assess quake damages, lead relief efforts

By Dean Aubrey Caratiquet On the heels of an earlier directive to ensure ‘round the clock’ efforts in the wake of the “doublet earthquake” that...