SEA Games, dream come true kay Eala

By Myris Lee

Kahit malayo na ang narating ng 16-year-old Pinay tennis player na si Alex Eala sa kanyang international career, excited pa rin ito sa maiuuwing debut experience sa ongoing 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Ayon sa two-time junior Grand Slam champion, ang pag sali niya sa biennial regional competition ay matagal na niyang pangarap.

Para kay Eala, kumpara sa ibang kompetisyon, ang palarong ito ay laban ng bawat atletang Pinoy kung saan mahigit sa 641 Pilipinong atleta ang kanyang kasangga upang makapagbigay ng karangalan sa bansa.

Lalaro si Eala sa tennis women’s single event ng upang itayo muli ang bandera ng mga Pinay sa kategorya simula nang huling makakamit ng bansa ang ginto dito noong 1993 sa katauhan ni Maricris Fernandez.

Malakas man ang tiwala ng lahat kay Eala na makakahagupit siya ng ginto sa kanyang unang sabak sa biennial meet, ayaw niyang maging kampante kahit pa mas mataas ang kanyang world rankings sa mga makakalaban.

Tanging si Chanelle Van Nguyen ng Vietnam lang ang tanging makakalaban ni Eala na may mas mataas sa kanyang pang-387 na puwesto sa world rankings.

Lalaban rin si Eala at ang mga kagrupo sa team event katapat ang Team Malaysia sa isang best-of-three competition ng two singles matches at doubles match.

Kung palarin manalo dito ay makakatapat nila ang apat na bigating tennis players ng Thailand na kabilang rin sa Top 1,000 sa mundo.

Samantala, lalaban naman para sa men’s team sina Treat Huey, Ruben Gonzales, Francis Casey Alcantara, and Jeson Patrombon kontra Laos sa first round. – ag

Popular

PBBM’s satisfaction rating tops other PH gov’t offices in latest survey

By Dean Aubrey Caratiquet In the latest nationwide survey conducted by Tangere on 1,500 respondents from May 8 to 9, the Office of the President...

Palace: Int’l, local watchdogs tapped to ensure ‘clean, honest’ polls

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The government is working with international and local watchdogs to ensure “clean and honest” midterm elections on...

DBM approves allowance increase of teachers, poll workers

By Brian Campued The Department of Budget and Management (DBM) on Friday announced that it has approved a P2,000 across-the-board increase in the compensation of...

24/7 threat monitoring center launched vs. online disinformation

By Raymond Carl Dela Cruz | Philippine News Agency The inter-agency “Task Force KKK (Katotohanan, Katapatan, Katarungan) sa Halalan” launched on Friday its new threat...