Pagdaraos ng ‘Nat’l Line Workers Appreciation Day’ tuwing Agosto, isinusulong ng Kamara

VITAL DUTY. An engineer of Manila Electric Company (Meralco) on a boom lift inspects electric posts along New York Street in Cubao, Quezon City on May 30, 2024. The House of Representatives on Wednesday (Feb. 11, 2026) approved on third and final reading a bill declaring the first Monday of August as “National Line Workers Appreciation Day”. (Photo courtesy: Joan Bondoc / PNA / FILE)

Ulat ni Vel Custodio / PTV News

Inaprubahan ng Kamara ang panukalang batas na nagtatakda sa unang Lunes ng Agosto bilang “National Line Workers Appreciation Day”.

Ayon kay House Majority Leader Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, na isa sa mga may-akda ng panukala, matagal nang dapat mabigyan ng pagkilala ang sakripisyo ng mga line worker.

“They are among the pillars of our economy. Without them, there would be no stable and sufficient electricity supply, especially in times of weather disturbances, which we have a lot of with our country being in the typhoon belt,” sabi ng mambabatas.

Dagdag pa niya na ang pagkilalang ito ay bahagi ng mas malawak na hakbang ng Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III, para mapabuti ang kapakanan at kaligtasan ng mga line worker.

“So let us honor them and acknowledge the important job they are doing and the risk they take every single day. This is the reason why we have approved another bill mandating compulsory life and accidental insurance for them,” saad ni Marcos.

Sa ilalim ng panukala, pangungunahan ng National Electrification Administration (NEA) ang taunang pagdiriwang, katuwang ang mga electric cooperative, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), National Transmission Corporation (TransCo), mga pribadong power operator, Meralco at iba pang kompanya.

Kabilang sa mga aktibidad na nakapaloob sa okasyon ang mga lecture, training, seminar, at iba pang programa para sa kaligtasan, pagpapahusay ng kasanayan, at pagpapalawak ng kaalaman ng publiko sa mahalagang papel ng mga line worker.

Inaatasan din ang Department of Energy (DOE), mga pribadong distributor ng kuryente, transmission companies, at telecommunications firms na magsagawa ng sarili nilang capacity-building activities bilang bahagi ng naturang pagdiriwang.

Matapos ang pag-apruba sa ikatlo at huling pagbasa, inaasahang isusumite na sa Senado ang panukala.

—bjlc/av

Popular

spot_img