Pahayag na No-El scenario ni Speaker Alvarez, umani ng ibat ibang reaksyon mula sa mga senador

Umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga senador ang pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na umano’y posible ang isang No-Election o No-El scenario kapag natuloy ang panukalang Pederalismo.

Para kay Senador Ping Lacson, madaling sabihin pero mahirap umanong gawin ang minamadaling paglipat tungo sa Pederalismo, lalo na ang pinaplanong pagdaraos ng isang plebisito sa darating na buwan ng mayo.

Punto ni Lacson, kapos na umano sa panahon ang mga nagtutulak ng panukalang pagbabago sa ating konstitusyon.

Maging si Senate President Koko Pimentel, na siyang pangunahing nagsusulong sa Senado ng sistemang Pederalismo, ay nagsabi na tuloy pa rin ang mga naitakdang halalan sa bansa sa ilalim ng sistemang Pederalismo.

Una rito, sinabi ni House Speaker Alvarez sa isang panayam sa telebisyon na possible umanong maipagpaliban ang 2019 Midterm Elections kapag nagtagumpay sa kongreso ang panukalang paglipat ng porma ng gobyerno tungo sa Pederalismo ngayong taon.

Ani Alvarez, ang kongreso ay balak na pulungin ngayong Enero para talakayin ang panukalang pagdaraos ng referendum sa buwan ng darating na Mayo, na kasabay ng naitakdang Barangay Elections.

Diin ni Alvarez, kapag pinaboran ng publiko sa pamamagitan ng referendum ang nasabing paglipat tungo sa Pederalismo, mas makabubuti umano na ang termino ng lahat ng kasalukuyang halal na mga senador ay mag-expire sa 2022. | (Jojo Ismael/ Radyo Pilipinas)

Popular

PBBM inspects Pampanga food security complex, distributes aid

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday oversaw the distribution of government assistance during his visit to...

2026 SONA includes gov’t efforts amid ‘very difficult period’ in PH history —PBBM

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday emphasized that he will highlight the administration’s continuing efforts to address the impact of “external...

Threats against PBBM must not be taken lightly —Palace

By Brian Campued Malacañang on Thursday reiterated that threats to the life and security of President Ferdinand R. Marcos Jr. must always be treated with...

PBBM honors injured Navy personnel in Ayungin clash

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday honored the two Philippine Navy (PN) personnel who sustained injuries following a confrontation with the...