DOLE OFW ID inilunsad; Patakaran sa pag-iisyu, malapit nang ipalathala

via Pauline Requesto

Malapit nang ipalabas ng Department of Labor and Employment ang patakaran sa pagkuha ng iDOLE ID card para sa mga overseas Filipino worker, pahayag kahapon ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III.

Inilunsad noong Miyerkules, sinabi ni Bello na ang iDOLE ID ang ‘pinakamagandang regalo’ na ibibigay ni Presidente sa milyong OFW para sa mas mabilis na transaksiyon sa gobyerno at pribadong ahensiya para sa kanilang pagtatrabaho sa ibang bansa.

Kanyang sinabi na ia-upload ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga pangalan ng mga rehistradong OFW sa DOLE cloud, pagkatapos ay ida-download para ma-print.

“Ang lahat ng ID ay ipapadala sa kanila, sila man ay nasa Pilipinas o nasa ibang bansa,” ani Bello.

Kanyang sinabi na ang OFW ID, isang pangunahing bahagi ng Integrated Department of Labor and Employment (iDOLE) System ay sasailalim sa pilot run na tatagal ng tatlong buwan bago ito gamitin bilang Automated Overseas Employment Certificate (OEC) ng OFW, airport at immigration ID pass.

Maaari ring mag-log-in at gumawa ng kanilang account sa iDOLE.ph o ang iDOLE One-Stop Online Facility/Portal, na kasalukuyang isinasaayos upang ma-access ng OFW online ang kanilang mga record sa gobyerno na hindi na kinakailangang magpunta sa mga kinauukulang tanggapan ng pamahalaan bago sila ma-deploy.

“Nakapag-print na kami ng ID at ibinigay sa isang OFW na nagtatrabaho bilang event manager sa New Zealand sa ginanap na simpleng paglulunsad kasama si Presidente Duterte,” ani Bello.

Matapos ang pilot run, ang ID ang magsisilbing Travel Exit Clearance ng OFWs sa loob ng dalawang taon mula nang ito ay ma-isyu sa kanila at hindi na nila kailangang magbayad ng travel tax at terminal fee.

Sinabi ni Bello na nagtataglay ang ID ng QR code para sa security feature nito at pangangasiwaan ng APO Printing Unit ang paglilimbag nito. Ang APO Printing Unit din ang naglilimbag ng pasaporte ng Pilipinas.

“Sa OFW ID, hindi na kailangan pang pumila ang ating Bagong Bayani para sa kanilang transaksiyon sa pamahalaan at pribadong ahensiya para sa kanilang trabaho sa ibang bansa dahil maaari na nilang ma-access online ang mga serbisyo,” aniya.

Nilalayon ng iDOLE system na-interlink ang database ng lahat ng tanggapan at ahensiya ng DOLE sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa mas wasto, kumpleto at updated na Labor Market Information System (LMIS).

Popular

Palace: Int’l, local watchdogs tapped to ensure ‘clean, honest’ polls

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency The government is working with international and local watchdogs to ensure “clean and honest” midterm elections on...

DBM approves allowance increase of teachers, poll workers

By Brian Campued The Department of Budget and Management (DBM) on Friday announced that it has approved a P2,000 across-the-board increase in the compensation of...

24/7 threat monitoring center launched vs. online disinformation

By Raymond Carl Dela Cruz | Philippine News Agency The inter-agency “Task Force KKK (Katotohanan, Katapatan, Katarungan) sa Halalan” launched on Friday its new threat...

Solon lauds 5.4% GDP growth in Q1 2025

By Dean Aubrey Caratiquet In a statement on Thursday, May 8, House Speaker Martin Romualdez expressed strong approval of the country’s 5.4% gross domestic product...