Agri Party-list: “We need to attack where poverty is more or less rampant”

“We need to attack where poverty is more or less rampant.”

Ito ang isinaad ng Agri Party-list Representative na si Orestes Salon nitong Huwebes kasabay ng kanyang pagsasapubliko ng mga programa at mga panukalang layunin para sa sector ng Agrikultura at mga kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda ng bansa.

Naniniwala si Salon na nararapat lamang na atakihin ang mga sektor kung saan ay mas maraming mahihirap, “ang taas ng sa sektor ng agrikultura, mga magsasaka, mangingisda it’s very much above the national average, 34% but if you want to make a dent in terms of addressing poverty alleviation you have to attack the agricultural sector. Where most of the poor are.”

Nakasentro ang mga programa sa pamamagitan ng paghahain ng mga panukalang batas na nakasentro sa tulong na pinansyal o subsidy mula sa gobyerno.

“Alam naman natin na pagkatapos ng land reform (pagbibigay ng lupa) yung mga nakaraang dekada medyo kumulang yung ating pamahalaan in terms of support so nararapat lamang po na pagkatapos na ipamigay yung lupa kailangang nandun yung suporta; suporta sa kapital, sa produksyon, suporta sa credit at iba suporta sa ekonomiya,” ayon kay Salon.

Nabanggit din aniya ang patungkol sa nararapat na paghahanda para sa badyet para sa sektor ng Agrikultura sa taong 2018, at inaamin na ngayong taon ay hindi naging sapat ang naibigay sa kanila bilang parte ng National Expenditure Program na umabot lamang ng P60 bilyon mula sa orihinal na P220 bilyon.

Ninanais ni Salon na matugunan ang mga pagkukulang para sa mga magsasaka at mangingisda lalo na sa imprastraktura na hanggang ngayon ay humigit kumulang na 13 kilometrong daan ang kinakailangan pang bigyang pansin ng gobyerno.

Sa kabila ng mga problemang ikinakaharap ng sektor, nais na ipahatid ni Salon na mayroong loan para sa mga magsasaka na handang tumulong sa kanila upang sumuporta sakanilang mga produksyon at iba pang pangangailangan, “isang institusyon na nag-garantiya ng mga loan ng mga magsasaka na halimbawa magfail yung production o magfail yung venture nila ay sasagutin po ito 85% ng loan.” | (Tina Joyce Laceda – PTV)

Popular

Longest Traslacion ends after nearly 31 hours

By Ferdinand Patinio and Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency The grand procession or Traslacion of Jesus Nazareno officially ended at 10:50 a.m. Saturday,...

‘Project AGAP.AI’ to support students, teachers towards digitally enabled PH education system —PBBM

By Brian Campued “As we hit the ground running in 2026, once again, we start a new era in our educational system.” In line with the...

Province-wide ‘Benteng Bigas’ rollout to start in Pangasinan next week —D.A.

By Brian Campued Following the successful nationwide rollout of “Benteng Bigas Meron (BBM) Na” Program in 2025, the Department of Agriculture (DA) is set to...

D.A. assures budget transparency with ‘FMR Watch’

By Brian Campued To ensure that the budget allocated to the agriculture sector this 2026 is used for projects that will directly benefit Filipinos, the...