Alkalde ng Northern Samar at Leyte, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa katiwalian

Sinampahan na ng kasong kriminal ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang Alkalde ng Palapag, Northern Samar at Isabel, Leyte.

Base sa records ng Ombudsman sina Palapag Mayor Manuel Aoyang, Councilor Eleno Calot at Municipal Council Secretary Emil Go ay inireklamo dahil sa falsification of public documents na may kinalaman sa ilang anti-poverty projects na tinalakay sa isang special session noong Pebrero 2015.

Nabatid na sina Councilors Sonia Evardone at Anacorito Javier ay absent sa ginanap na special session at hindi kabilang sa deliberations sa nabanggit na resolution, pero kasama sila sa nag-apruba sa resolusyon.

Samantala, inireklamo naman ng graft charges si Isabel Mayor Saturnino Medina Jr., at ang kanyang asawa na si Nolette at Municipal Administrator Perla Brebante, dahil naman sa maanomalyang pagbili ng mga sasakyan ng municipal government noong Agosto 2010.

Sinasabing ibinenta ni Mayor Medina at kanyang asawa sa municipal govt ang pag-aari nilang KIA Pregio sa halagang P546,000, samanatalang ang market value nito ay nasa P396,000 lamang.

Habang si Brebante ay nagbenta din ng kanyang second hand na Mitsubishi Pajero sa halagang P648,500, samantalang ang market value ay nasa P600,000 na lamang. | (Rey Ferrer/Radyo Pilipinas)

Popular

Palace assures no cover-up in missing ‘sabungeros’ case amid search, retrieval ops

By Brian Campued The government remains committed to uncovering the truth about the case of the 34 missing “sabungeros” to serve justice to the victims...

Taal Lake site assessment yields sack containing ‘bones’ — DOJ

By Brian Campued The Department of Justice (DOJ) confirmed that authorities retrieved a sack containing burned remains believed to be human bones during the initial...

LTO integrates online driver’s license renewal system in eGovPH app

By Dean Aubrey Caratiquet The Land Transportation Office (LTO) has integrated the online driver’s license renewal in the eGovPH app, which ensures a fast and...

5 of 21 Filipinos in Houthi-hit ship in Red Sea rescued — DFA

By Joyce Ann L. Rocamora and Marita Moaje | Philippine News Agency Five of the 21 Filipino seafarers manning the cargo vessel Eternity C, which...