IATF PR
Hinikayat ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pribadong sektor na tulungan ang mga isinusulong na programa ng gobyerno upang matiyak ang seguridad sa pagkain at pagiging matatag ng bansa, kung saan nitong kanyang binigyang-diin nitong Martes na ang whole-of-government approach ay kinakailangan upang mabigyan ng access ang publiko sa abot-kayang pagkain para masugpo ang kagutuman.
Sa kanyang pakikipagtalastasan sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Inc. (PCFMI) via teleconference, sinabi ng pinuno ng Zero Hunger Task Force ng pamahalaan na ang mga pagkagambala o kumplikasyon sa ekonomiya na hatid ng Covid-19 pandemic ay nagbibigay-diin sa pangangailangan “upang maingat na mag-coordinate, i-rationalize, mag-monitor, at suriin ang mga pagsisikap ng mga ahensiya ng gobyerno at isali ang pribadong sektor upang matiyak ang isang whole-of-nation approach sa pagkamit ng seguridad sa pagkain at pagsugpo ng kagutuman.”
Ayon sa opisyal ng Palasyo, isa sa mga tugon ng gobyerno sa Covid-19 outbreak vis-a-vis food security ay ang plinanong pagsasanib ng National Food Policy (NFP) at Food Security Framework na itinatag sa ilalim ng Resolution No. 33 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ang Task Force on Zero Hunger ay inatasan upang makabuo ng NFP; ma-coordinate at i-rationalize ang mga ahensiya ng gobyerno at mga magamit na instrumento upang matiyak ang isang whole-of-government approach sa pagtamo ng zero hunger; at makamit ng seguridad sa pagkain, mapagpabuti ang nutrisyon, at maitaguyod ang sustainable agriculture.
“Kailangan natin ng isang NFP na makatutugon sa new normal at magpapadali ng pagbabago sa mga estratihiya sa konsolidasyon sa mga bukirin o sakahan, modernisasyon, industriyalisasyon, promosyon sa pagluwas, at pagpapaunlad ng imprastraktura na magreresulta ng pagiging matatag sa food production and availability, food accessibility and affordability, food price stability, and food safety,” paliwanag ni Nograles.
“Ang lahat ng ito ay magbibigay ng isang magandang kahihinatnan para sa sapat na pagkain at ligtas na bansa; kung saan tiwala ako na ang inyong chamber ay maaaring makapag-ambag ng kinakailangang suporta––kahit hindi man kabilang sa mga mithiing inaasam.”
Ipinunto ni Nograles na ang mga hadlang at paghihigpit sa mga lugar upang maprotektahan ang publiko laban sa Covid-19 ay dapat piliting ipatupad ng mga stakeholders na kabilang sa food production “upang muling makabuo ng mga bagong modelo sa pagni-negosyo, muling mai-configure ang mga merkado, at malampasan ng mga sagabal o hadlang para makamit ang paglago ng ekonomiya kaugnay sa ‘new normal’ na operasyon ng negosyo.”
“Inaanyayahan ko kayo na makilahok sa gobyerno sa paghanap ng mga makabagong paraan at muling bumangon, nang magkasama,” dagdag ng kalihim na lumaki sa Davao.
“Ito ay para sa pag-unawa lamang sa mas kumplikadong mga proseso na kinasasangkutan ng mga pamilihan sa industriya, mga sistema, produkto, mga tao, ating kapaligiran, at mga institusyon na dala ng krisis na ito na maaari nating simulan muli at mabawi ang ating kalamangan o muling makabangon habang naghahanda tayo sa paglipat sa ‘new or better normal.” ###
Type a message…