Araw ng Kagitingan Message of Sen. Bong Go

Isang makabuluhang Araw ng Kagitingan sa lahat ng mga Pilipino sa bansa at sa buong mundo.

Ngayong araw, muli nating balikan ang katapangan ng mga sundalong Pilipino na nakipaglaban para sa dangal at kalayaan ng ating bayan. Ilang henerasyon na ang nakalipas nang mangyari ang makasaysayang laban sa Bataan. Ngunit ang ipinamalas nilang kagitingan sa kabila ng matinding hamon noon ay patuloy na nagbibigay ng lakas at inspirasyon sa ating lahat ngayon.

Nitong panahon ng pandemya, iba naman ang ating kalaban. Nag-iba rin ang mga mukha ng ating mga bayani. Sila ang mga doktor, nurse, pulis, sundalo, at iba pang mga frontliners na patuloy na nagseserbisyo at nagsasakripisyo para masalba ang buhay ng ating kapwa Pilipino. Saludo po kami sa inyo. Itinuturing namin kayong mga bayani, hindi lang ng ating bayan, kundi ng buong mundo!

Kilalanin din natin ang kagitingan ng mga barangay workers, community volunteers, market vendors, drivers, mga magsasaka at mangingisda, mga ordinaryong manggagawa at iba pang mga Pilipino na nakikipaglaban rin para sa kalayaan—kalayaan mula sa sakit, kalayaan mula sa krimen, at kalayaan mula sa gutom at kahirapan.

Sa mga sandaling hirap na hirap na tayo, alalahanin lang natin ang mga karanasan ng mga naunang henerasyon kung saan ipinamalas nila ang kanilang katapangan at pakikipagbayanihan para malampasan ang mga pagsubok. Dahil tulad noon, ang pagkakaisa natin ang tanging susi sa ating muling pagbangon.

Nawa’y patuloy na mamayani ang kagitingan sa puso at isipan ng bawat Pilipino. Dahil ang araw na ito— ang Araw ng Kagitingan—ay hindi lamang para sa mga sundalong nakipaglaban noon, kundi para rin sa bawat Pilipino na patuloy na lumalaban ngayon.

Muli, mabuhay ang mga Pilipino at mabuhay ang araw na ito— ang Araw ng Kagitingan!

 

Popular

PBBM inks law declaring protected areas in Tarlac, Southern Leyte

By Dean Aubrey Caratiquet Recognizing the need to protect landscapes and ecosystems from human activity and urban encroachment, President Ferdinand R. Marcos Jr. has signed...

Palace hits Discayas over ‘misinformation’ on PH film center project

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Saturday slammed the camp of contractor couple Cezarah “Sarah” and Pacifico “Curlee” Discaya for claiming...

Eala reaches Guadalajara 125 Open finals

By Jean Malanum | Philippine News Agency Filipino tennis ace Alex Eala reached the Guadalajara 125 Open finals after beating American Kayla Day, 6-2, 6-3,...

PH, Cambodia to ink 3 key agreements in PBBM’s state visit

By Brian Campued The Philippines and Cambodia are expected to sign three agreements during President Ferdinand R. Marcos Jr.’s state visit to Phnom Penh on...