Presidential Anti-Corruption Commission (PACC)
Pahayag ni Chairman Greco Belgica sa Araw ng Kalayaan
Sa paggunita ng araw ng kalayaan, lagi nating tandaan na ang kasarinlan ang isa sa mga yaman na hindi natin dapat ipagsawalang-bahala.
Sapagkat sa pamamagitan ng buhay at dugo ng ating mga bayani ay nakamit natin ito at hindi na muling maaagaw pa ng kahit sino.
Gaya ng ipinapabatid ng ating pambansang awitin, “Ang mamatay nang dahil sa’yo” na nangangahulugang handa nating ialay ang ating buhay para sa ating mahal na bansa, para sa ating kalayaan.
Mabuhay po tayong lahat! Mabuhay ang Pilipinas!
GRECO BELGICA
Chairman, Presidential Anti-Crime Commission