Artificial shortage sa mga pamilihan pinangangambahan ni Sen. Imee

Kinuwestyon ngayon ni Senator Imee Marcos ang Department of Agriculture (DA) kung bakit biglang tumaas ang bentahan ng presyo ng manok sa kabila ng hindi naman nagkukulang ang supply nito sa mga pamilihan o merkado.

Ayon kay Marcos, maaaring sinasamantala ng mga sindikato ang mataas na demand ngayon ng manok matapos pumutok ang African Swine Fever (ASF) scare dahilan kung bakit halos walang bumibikli ngayon ng karne ng baboy sa mga palengke at superkmarket.

“Ano ba ang dahilan kung bakit biglang tumaas ang presyo ng manok? Huwag nilang sasabihing kulang ang supply ng manok dahil hindi naman talaga nagkukulang. Ano ba ‘yan, simpleng mamimili na naman ang tatamaan dito,” pahayag ni Marcos.

Sa ngayon, ang bentahan ng bawat kilo ng dressed chicken ay umaabot na sa PHP180 hanggang PHP200 sa dati nitong presyo na PHP140 hanggang PHP150. Inaasahan pang tataas ang presyo nito pagpasok ng Disyembre base na rin sa pahayag ng DA.

Nagbabala rin si Marcos sa pamunuan ng DA sa ‘artificial shortage’ na maaring gawin ng mga sindikatong negosyante o cartel ng manok para masiguro nila ang mataas na presyo nito sa mga binabagsakang pamilihan.

“Yang cartel ng manok ay kayang-kayang laruin ang presyo at palabasin na merong shortage ng manok kahit wala naman. Kailangang talagang kumilos ang DA,” panawagan ni Marcos.

Matatandaang sa pagdinig ng Senado nitong nakaraang linggo, nangako si DA Undersecretary for Operations Ariel Cayanan na kanilang babantayan ang presyo ng manok sa mga pamilihan at kung naipapatupad ang suggested retail price.

“Nasaan ang pangako ni Usec. Cayanan? Bakit hindi nila kayang bantayan ang pagtaas ng presyo ng manok? Mukhang puro lang pangako itong si Cayanan!” galit na pahayag ni Marcos.

Popular

PBBM hails historic moment towards achieving lasting peace in Mindanao

By Dean Aubrey Caratiquet “Hinding-hindi namin kayo pababayaan.” Such a simple Filipino statement, yet one that defines a powerful message—a commitment to not leave someone behind...

PBBM hails chefs, establishments that elevate Filipino cuisine on the global stage

By Dean Aubrey Caratiquet “For Filipinos, food is never just about food.” Reaffirming his support for Filipino cuisine, President Ferdinand R. Marcos Jr. graced the MICHELIN...

PBBM champions sustainable mobility in e-trike assembly plant visit

By Dean Aubrey Caratiquet Consistent with the administration’s thrust towards sustainable mobility, the government continues to express its support for enterprises that share the same...

Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68K in 9 months, socialized housing grows 173% under PBBM’s Expanded 4PH

Pag-IBIG Fund financed over 68,000 homes in the first nine months of 2026, up 15% from the same period last year, as financing for...