Halos kalahating bilyong piso ang nakatakdang ibahagi ng bansang Australia sa Pilipinas para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19, ayon sa embahada ng Australia.
Sa isang tweet, ibinalita ni Australian Ambassador to the Philippines Steven Robinson na bibigyan nila ang bansa na AUD13.72-M o P480.2-M.
“This will make an important contribution to meeting the country’s vaccine needs in 2021,” ani Robinson.
I have informed Secretaries @teddyboylocsin @SecDuque Galvez & Dizon of Australia’s additional commitment of AUD13.72M (PHP480.2M) to buy #COVID19 vaccine for the 🇵🇭. This will make an important contribution to meeting the country’s vaccine needs in 2021. #mateshipandbayanihan
— Steven J. Robinson AO (@AusAmbPH) June 17, 2021
Ito ay isang panibagong commitment ng bansang Australia matapos magbahagi ng AUD130 million sa COVAX Facility.
Una na ring nagbahagi ang Australia ng AUD7.52-M bilang bahagi ng kanilang vaccine response plan kasama ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) at World Health Organization (WHO).
This new commitment is in addition to our support through #COVAXAMC to which Australia has contributed AUD130 million. The Philippines to date has received 5,025,870 doses from the #COVAX facility.
— Steven J. Robinson AO (@AusAmbPH) June 17, 2021
Sa kasalukuyan, mayroon nang 14,205,870 doses ng bakuna kontra COVID-19 ang Pilipinas, kung saan 7,563,241 na ang naiturok sa mga pangunahing benepisyaryo. – Ulat ni Naomi Tiburcio/AG-rir
Panoorin ang buong ulat: