Bagong rates ng COVID-19 testing packages, inilabas ng PhilHealth

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga bagong benefit package rates nito para sa plate-based at cartridge-based Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) COVID-19 testing. Ang mga ito ay nakapaloob sa PhilHealth Circular No. 2021-0021 na naging epektibo pagkalathala nito noong Nobyembre 30, 2021.

Sa nasabing Circular, ang coverage ng Ahensya para sa plate-based RT-PCR ay nagkakahalaga ng P800 hanggang P2,800; at P500 hanggang P2,450 naman para sa cartridge-based tests.

Binase ng PhilHealth ang mga bagong rates sa revised costing estimates at price cap na itinakda ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI). Dagdag ng PhilHealth, patuloy ang pag-monitor at pag-review nito sa implementasyon ng kanilang benefit packages para mabigyan ng financial risk protection ang kanilang mga benepisyaryo.

Ang COVID-19 testing benefits ay maaaring ma-avail sa mga PhilHealth-accredited testing laboratories. Paalala ng PhilHealth na ang isang miyembro ay entitled sa benepisyo ayon sa DOH guidelines sa priority sub-groups para sa SARS-CoV-2 testing. Sa kabilang banda, nilinaw ng PhilHealth na makatatanggap pa rin ng coverage ang mga magpapa-testing na hindi pa rehistrado sa programa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, magpadala ng text message sa 09216300009 para makatanggap ng callback mula sa Action Center ng PhilHealth. 

Magpadala ng mga komento, feedback, at suhestiyon sa [email protected]. Maaari mo ring i-follow ang PhilHealth sa Facebook (www.facebook.com/PhilHealthOfficial) at Twitter (@teamphilheath). (PhilHealth) -rir

 

Popular

PBBM: No ‘political advantage’ behind disclosure of flood control mess in SONA 2025

By Dean Aubrey Caratiquet In the fifth episode of the BBM Podcast aired on Monday, President Ferdinand R. Marcos Jr. shared his insights on the...

PBBM touts education as the key towards national, social progress

By Dean Aubrey Caratiquet “Every project, every policy, every program, every peso must move the needle for Filipino families.” Halfway through his term as the country’s...

On Teachers’ Month, DepEd notes good news for teachers

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in honoring the invaluable contributions of teachers in shaping the next generation’s leaders and professionals,...

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....