Batay ito sa inihayag ni former Representative Dante Liban, isang advocate ng Federalismo sa bansa, kaugnay sa isa sa mga prayoridad ng kasalukuyang administrasyon na mapalitan ang porma ng pamahalaan at maging isang Federal government.
Linaw pa ni Liban sa programang Bagong Pilipinas, ang uri ng Federalismo na isusulong sa bansa ay “angkop at akma sa hiling at pakisuyo ng taong bayan.”
Sa ilalim ng bagong sistema ay magkakaroon ng dalawang lebel: ang Federal government na bibigyang pansin ang mga suliraning pederal o nasyonal at Regional o State government na tumutukoy patungkol sa pangangailangan, hiling at hinaing ng taong bayan.
“Yung Federal government yung bibigyang pansin at trabaho ang mga isyung pang-pederal o nasyonal pero sa Regional o State government yung mga pangangailangan, hiling at hinaing ng taong bayan o lokal sa baba at sila ay may lakas at puder na ibibigay ng saligang batas na huhubugin ngayon natin,” paliwanag ni Liban.
Nakasentro aniya sa maling sistema ang umiiral sa kasalukuyang malawak na kahirapan, matinding problema sa katiwalian, mataas na kriminalidad at ilegal na droga
“Angkop sa aking pagsusuri ito ay nangyayari dahil sa umiiral na sistema, kaya kailangang baguhin,” ani Liban.
“Kaya tama si Pangulong Duterte, malawakang pagbabago sa ating bansa, kaya may bago tayong programa ngayon, “Bagong Pilipinas” sinasabi non bagong sistema, bagong pamumuno at bagong pamamahala ng gobyreno,” dagdag pa nito. (Tina Joyce Laceda – PTV)