Butuan City isinailalim sa State of Calamity

By May Diez | Rasyo Pilipinas Butuan

Sinang-ayunan ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang Resolution No. 521-2021 sa isinagawang session kahapon, kung saan isinailalim ang Butuan sa ‘State of Calamity’ dahil malaking bahagi ng lungsod ang naapektuhan ng bagyong Odette.

Maraming poste ang natumba kaya’t 16 na barangay ang nawalan ng kuryente, napinsala din ang pipeline ng source ng supply ng tubig, at mahigit 201,000 ng high-risk population ay naapektuhan.

Mahigit 4,000 pamilya ang naitalang lumikas nang dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa.

 

Sa ngayon ay may mga nakauwi na sa kanilang mga pamamahay pero may iilan pa ring nananatili sa evacuation center.

 

Ipinaabot naman ng LGU Butuan ang pasasalamat sa Agusan Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry at iba pang pribadong kumpanya sa ibinigay na tulong gaya ng pagpapahiram ng 70 modular tents para sa mga lumikas.

Ipinagamit din ng Father Saturnino Urios University ang kanilang gym bilang karagdagang evacuation center.

Habang ang Red Cross Butuan chapter bukod sa itinayong first-aid station, nagpakain ng arrozcaldo sa mga lumikas.

Nagtulungan din ang City Engineering Office at DPWH Butuan District sa clearing operations at tiniyak na passable na ang lahat ng mga daan. (Radyo Pilipinas) -bny

Popular

PBBM pushes for PH trade pact with India

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Wednesday said the government is “ready to act” and will work closely with its Indian business...

PBBM addresses criticisms, assures sufficient funds for gov’t agendas in his podcast

By Dean Aubrey Caratiquet In episode 2, part 3 of the BBM Podcast, which aired on Wednesday, President Ferdinand R. Marcos Jr. refuted criticisms levied...

PH, India eye deeper health collaboration

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Tuesday met with Bharatiya Janata Party (BJP) Chair and Indian Health...

PM Modi: PH, India ‘partners by destiny’; defense ties natural, necessary

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Indian Prime Minister Narendra Modi on Tuesday reaffirmed India’s solidarity with the Philippines in upholding peace and...