Cebu City, walang naitalang firecracker-related incident at sunog sa pagsalubong sa Bagong Taon

By Angelie Tajapal | Radyo Pilipinas Cebu 

Walang naitalang firecrackers-related incident ang Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO) at Cebu City Police Office sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Renzo del Rosario, head ng data management team ng CCDRRMO, karamihan sa mga naitalang insidente mula 12:00 a.m. hanggang 6:00 a.m. ay vehicular accidents. Dalawang insidente ng pananaksak rin ang kanilang naitala.

Napag-alaman na mula noong Pasko, ipinagbabawal sa Cebu City ang pagbebenta at paggamit ng mga paputok, gayundin ang mga pyrotechnic devices.

Maaari umano itong pagmulan ng sunog, lalo na at maraming mga tuyong sanga at dahon ng kahoy sa paligid ang iniwan ni Bagyong Odette.

Samantala, ang Cebu City Fire Office ay wala ring narespondehang insidente ng sunog sa pagsalubong sa Bagong Taon. (Radyo Pilipinas) -ag

Popular

PBBM welcomes new envoys of Belgium, UK

By Dean Aubrey Caratiquet As part of the government’s persistent efforts to expand bilateral relations with key allies, President Ferdinand R. Marcos Jr. warmly welcomed...

PBBM orders modular shelters in quake-hit areas instead of ‘tent cities’

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. ordered concerned government agencies to set up modular shelter units instead of tent cities in earthquake-hit areas,...

OP extends P298M financial aid to quake-hit LGUs in Davao, Caraga

By Brian Campued The Office of the President (OP) released a total of P298 million in financial assistance to local government units (LGUs) affected by...

Palace open to SALN transparency, says executive ready to comply

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang on Monday expressed support for lifting restrictions on public access to Statements of Assets, Liabilities and...