Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang commemorative postage stamp ni Lapu-Lapu nitong Huwebes (Abril 29), bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan.
Ito ay kabahagi ng paggunita sa ika-500 anibersaryo ng tagumpay ni Lapu-Lapu sa Battle of Mactan at bilang pakikilahok sa 2021 Quincentennial Commemorations.
Sina PHLPost Postmaster General Norman “Mr. Postman” Fulgencio at Executive Secretary Salvador Medialdea ang nanguna sa paglulunsad ng naturang selyo sa Liberty Shrine, Mactan sa Lapu-lapu City.
Ang mga selyong ito ay mabibili sa Manila Central Post Office o pwede ring mag-order sa Stamps on Wheels.
Makikita sa pahinang ito ang karagdagang detalye tungkol sa kakaibang collector’s item na ito. – Ulat ni Allan Francisco/AG-jlo