Kinumpirma ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at GO Negosyo Founder Joey Concepcion na hindi na hihingi ng donasyong bakuna ang gobyerno sa pribadong sektor.
Sa isang panayam ng ABS-CBN, sinabi ni Concepcion na nakausap na niya si vaccine czar Carlito Galvez Jr. at tiniyak nitong sasapat ang suplay ng bakuna ng pamahalaan. Iginiit aniya ni Galvez na marami ng bakunang darating sa bansa sa buwang ito at sa mga susunod pa na buwan.
Matatandaang isang tripartite agreement ang nilagdaan noon ng pribadong sector, mga lokal na pamahalaan, at national government para sa 17 milyong doses ng AstraZeneca vaccines.
Gayunpaman, nakahanda pa ring suportahan ng pribadong sektor ang vaccination program ng pamahalaan sa NCR Plus 8. (PTV News)/NGS-rir