Bumaba ng 3% ang arawang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa bagong datos ng OCTA Research Group.
Ayon sa grupo, umabot sa 6,430 ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases mula Hunyo 5 hanggang 11. Itoāy mas mababa sa 6,699 daily average mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1.
Bumaba rin sa 1.02 ang reproduction number, o ang bilang ng nahahawaan ng isang taong positibo sa COVID-19, mula sa dating 1.09.
Nasa 27% naman ang ibinaba ng bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, at Rizal mula sa dating 94% mula Marso 29 hanggang Abril 4.
Umabot naman sa 80% ang itinaas ng bagong kaso ng COVID-19 sa Dumaguete mula sa dating 57%. Tumaas naman sa 45% ang bagong kaso sa Tacloban mula 26%.
Kabilang din sa areas of concern o lugar na nakapagtala ng pagtaas ng mga bagong kaso ang Cagayan de Oro City, Iloilo City, Butuan, Tuguegarao, at Cotabato City.
Samantala, pinag-aaralan ng mga alkalde sa Metro Manila ang pagpapatupad ng normal na general community quarantine (GCQ) pagkatapos ng Hunyo 15, o ang pagtatapos ng kasalukuyang GCQ with restrictions.
Ayon naman sa Department of Health (DOH), maaaring bumalik ang dating sitwasyon kung hindi magiging maingat sa pagdedesisyon. ā PTV News/AG-jlo#