COVID-19 patients sa Caraga, tumaas; isang probinsya, nasa critical risk

By May Diez | Radyo Pilipinas Butuan

Tumaas ng 38% ang bilang ng mga COVID-19 patients sa buong Caraga na-admit sa iba’t-ibang ospital sa rehiyon.

Sumobra na rin ang bilang ng mga pasyente sa COVID-19 bed capacity ng tatlong main public hospitals sa Agusan del Sur.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) Caraga Regional Office sa isinagawang virtual presscon, nasa critical risk category na ang Agusan del Sur, high risk ang Butuan City, moderate risk ang Surigao del Norte at Surigao del Sur, habang low risk naman ang Agusan del Norte at Dinagat Islands. 

Dumoble naman ang bilang ng mga bagong kaso, kung saan 681 ang naitala nitong Enero 27 kaya’t umakyat na sa 55,179 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa rehiyon, kasama ang 4,455 na aktibo. 

Sa gitna ng mabilis na paglobo ng mga bagong kaso, kinumpirma ng assistant regional director ng DOH Caraga na si Dr. Sadaila Raki-in na sa ngayo’y wala pang Omicron variant sa rehiyon, at wala pa aniya silang natatanggap na ulat mula sa Philippine Genome Center.

Pero nilinaw nito na hindi dapat magpakampante ang mga Caraganon. Walang ibang pinakamainam aniya na paraan para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 kung hindi ang magpabakuna at patuloy na pagsunod sa minimum public health standards. (Radyo Pilipinas)   -ag

 

 

Popular

Palace respects SC order to restore P60B PhilHealth fund

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Friday said it respects the Supreme Court’s (SC) order to restore the Philippine Health Insurance...

Gov’t welcomes lower inflation rate in November 2025

By Brian Campued Malacañang on Friday welcomed the easing of the headline inflation in the country to 1.5% in November from 1.7% in October, amid...

PBBM affirms support for Mindanao troops

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has reaffirmed his administration’s commitment to strengthening support for soldiers and for lasting peace and order in...

PBBM hails PH-Oman rescue of 9 Filipino seafarers held by Houthis

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday announced that the nine Filipino seafarers who had been held...