Cusi, iniatas ang rapid response sa paparating na bagyong Kiko

TAGUIG – Inatasan ni Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi ang mga public utilities sa enerhiya at iba pang industry players na paigtingin ang kanilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Kiko upang mas mabilis na makaresponde sa mga mamamayan.

Ang bagyong Kiko ay mayroong maximum sustained winds na aabot sa 185 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugso na aabot 230 kilometers (km). Namataan ito 785 km silangan ng Baler, Aurora 4:00 n.u. ng Huwebes (Set. 9).

Habang paparating ang bagyong Kiko ay paalis naman  ang tropical storm Jolina na nanalasa sa ilang parte ng bansa. Namataan ang bagyong Jolina 145 km kanluran-hilagang kanluran ng Iba, Zambales.

“We are asking all the energy public utilities and industry players with their facilities affected by Tropical Storm Jolina to fast track their restoration activities, and at the same time, prepare and be ready for the incoming Typhoon Kiko,” saad ni Cusi.

Ayon sa kalihim, kahit papalabas na ng bansa ang bagyong Jolina, sinabi ng PAGASA na maaari pa rin itong magdulot nang malawakang pagbaha at mga pagguho ng lupa. Sinabi rin ng state weather bureau na sa susunod na 36 oras ay maaaring magkaroon na ng gale winds habang papalapit naman ang bagyong Kiko.

Nagbigay ng mga tagubilin si Cusi sa Task Force on Energy Resiliency na siguruhing maibabalik agad ang kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Jolina at paigtingin ang paghahanda para sa pagdating ng bagyong Kiko.

Nagpasalamat rin ang Energy chief sa ahensya lalo na sa mga ground personnel nito para sa kanilang tulong.

Kabilang sa mga naapektuhang lugar ng bagyo ay ang ilang mga munisipalidad sa Batangas, Masbate, Romblon, Samar, at Leyte.

Kalagayan ng household connection restoration activities

Ayon sa isinagawang power monitoring report ng National Electrification Administration (NEA) as of 3:00 n.h. ng Set. 8, ang mga restoration activities sa mga sumusunod na electric cooperatives (ECs) ay ang:

QUEZELCO I: 127,661/191,639 (66.62%)
MARELCO: 5,482/52,815 (10.38%)
TIELCO: 47,334/47,460 (99.36%)
MASELCO: 12,629/94,532 (13.36%)
TISELCO: 3,000/19,000 (15.79%)
BILECO: 27,780/39,105 (71.04%)
NORSAMELCO: 100,427/105,973 (94.77%)
SAMELCO II: 57,341/94,168 (60.89%)
ESAMELCO: 45,647/93,556 (48.79%)
LEYECO V: 124,858/150,179 (83.14%)

  • Mayroon nang apat na EC na fully restored na: ang BATELEC I, BATELEC II, SAMELCO I, and LEYECO III.
  • Sa kabuuang 1,547,345 household connections, 694,682 o 44.9%  ang naibalik na.
  • Ang MARELCO ay nag-ulat ng mga damages na may tinatayang halaga na P252,765.23.
  • Ang mga sumusunod na EC ay nagsumite ng kanilang forecast date ng restoration:

MARELCO: Set. 23
TIELCO: Set. 29
MASELCO: Set. 30
NORSAMELCO: Set. 9
SAMELCO I: Set. 10
SAMELCO II: Set. 8

  • Ang ALECO, CEBECO II, DORELCO, LEYECO II, LEYECO IV, SAMELCO I, LEYECO III, at SOLECO ay nakaranas ng power interruptions, subalit balik na muli sa normal ang operasyon.
  • Ayon sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines 1:00 n.u. ng Set. 9, ang transmission lines ng ZAMELCO II ay na-restore ng 9:06 n.g. at ang Meralco, FBPC ay nai-restore 7:04 n.g. nitong Set. 8. 

Ang transmission line naman ng BATELEC II ay nakaranas ng series ng power interruptions, subalit naibalik na muli sa operasyon 8:08 n.g. ng Set. 8. 

Ang MERALCO sa ilalim ng Bolboc-BCWD 13.8Kv line, ESAMELCO, at SAMELCO I ay may mga isolated sanhi ng mga unavailable transmission lines.

Ang mga karagdagang updates ay ilalabas sa oras na mayroon nang impormasyon.

Samantala, nanawagan si Cusi sa lahat na maging mapagmatyag at i-report agad ang mga makikitang panganib sa mga transmission towers o mga power lines sa National Grid Corporation of the Philippines (0917-847-6427/ 0918-847-6427), at sa mga distribution utility o electric cooperative sa inyong mga lugar. (DOE) – jlo

Popular

PBBM extends condolences, solidarity over tragic Lapu-Lapu Day Incident in Vancouver, Canada

By Dean Aubrey Caratiquet Lapu-Lapu Day is a celebration held on the 27th of April in honor of the Visayan chieftain who defeated Spanish forces...

Philippine typhoon victims remember day Pope Francis brought hope

By Agence France-Presse Fourteen months after the deadliest storm in Philippine history, Pope Francis stood on a rain-swept stage to deliver a message of hope...

PBBM forms National Task Force Kanlaon, inks Phivolcs’ modernization law

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. has created the National Task Force Kanlaon that will oversee and coordinate...

Palace orders probe into China’s alleged interference in midterm polls

By Ruth Abbey Gita-Carlos and Wilnard Bacelonia | Philippine News Agency Malacañang on Friday ordered the immediate and deeper investigation into China’s alleged interference with...