Cusi, iniatas ang rapid response sa paparating na bagyong Kiko

TAGUIG – Inatasan ni Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi ang mga public utilities sa enerhiya at iba pang industry players na paigtingin ang kanilang paghahanda sa pagdating ng bagyong Kiko upang mas mabilis na makaresponde sa mga mamamayan.

Ang bagyong Kiko ay mayroong maximum sustained winds na aabot sa 185 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugso na aabot 230 kilometers (km). Namataan ito 785 km silangan ng Baler, Aurora 4:00 n.u. ng Huwebes (Set. 9).

Habang paparating ang bagyong Kiko ay paalis namanĀ  ang tropical storm Jolina na nanalasa sa ilang parte ng bansa. Namataan ang bagyong Jolina 145 km kanluran-hilagang kanluran ng Iba, Zambales.

ā€œWe are asking all the energy public utilities and industry players with their facilities affected by Tropical Storm Jolina to fast track their restoration activities, and at the same time, prepare and be ready for the incoming Typhoon Kiko,ā€ saad ni Cusi.

Ayon sa kalihim, kahit papalabas na ng bansa ang bagyong Jolina, sinabi ng PAGASA na maaari pa rin itong magdulot nang malawakang pagbaha at mga pagguho ng lupa. Sinabi rin ng state weather bureau na sa susunod na 36 oras ay maaaring magkaroon na ng gale winds habang papalapit naman ang bagyong Kiko.

Nagbigay ng mga tagubilin si Cusi sa Task Force on Energy Resiliency na siguruhing maibabalik agad ang kuryente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Jolina at paigtingin ang paghahanda para sa pagdating ng bagyong Kiko.

Nagpasalamat rin ang Energy chief sa ahensya lalo na sa mga ground personnel nito para sa kanilang tulong.

Kabilang sa mga naapektuhang lugar ng bagyo ay ang ilang mga munisipalidad sa Batangas, Masbate, Romblon, Samar, at Leyte.

Kalagayan ng household connection restoration activities

Ayon sa isinagawang power monitoring report ng National Electrification Administration (NEA) as of 3:00 n.h. ng Set. 8, ang mga restoration activities sa mga sumusunod na electric cooperatives (ECs) ay ang:

QUEZELCO I: 127,661/191,639 (66.62%)
MARELCO: 5,482/52,815 (10.38%)
TIELCO: 47,334/47,460 (99.36%)
MASELCO: 12,629/94,532 (13.36%)
TISELCO: 3,000/19,000 (15.79%)
BILECO: 27,780/39,105 (71.04%)
NORSAMELCO: 100,427/105,973 (94.77%)
SAMELCO II: 57,341/94,168 (60.89%)
ESAMELCO: 45,647/93,556 (48.79%)
LEYECO V: 124,858/150,179 (83.14%)

  • Mayroon nang apat na EC na fully restored na: ang BATELEC I, BATELEC II, SAMELCO I, and LEYECO III.
  • Sa kabuuang 1,547,345 household connections, 694,682 o 44.9%Ā  ang naibalik na.
  • Ang MARELCO ay nag-ulat ng mga damages na may tinatayang halaga na P252,765.23.
  • Ang mga sumusunod na EC ay nagsumite ng kanilang forecast date ng restoration:

MARELCO: Set. 23
TIELCO: Set. 29
MASELCO: Set. 30
NORSAMELCO: Set. 9
SAMELCO I: Set. 10
SAMELCO II: Set. 8

  • Ang ALECO, CEBECO II, DORELCO, LEYECO II, LEYECO IV, SAMELCO I, LEYECO III, at SOLECO ay nakaranas ng power interruptions, subalit balik na muli sa normal ang operasyon.
  • Ayon sa ulat ng National Grid Corporation of the Philippines 1:00 n.u. ng Set. 9, ang transmission lines ng ZAMELCO II ay na-restore ng 9:06 n.g. at ang Meralco, FBPC ay nai-restore 7:04 n.g. nitong Set. 8.Ā 

Ang transmission line naman ng BATELEC II ay nakaranas ng series ng power interruptions, subalit naibalik na muli sa operasyon 8:08 n.g. ng Set. 8.Ā 

Ang MERALCO sa ilalim ng Bolboc-BCWD 13.8Kv line, ESAMELCO, at SAMELCO I ay may mga isolated sanhi ng mga unavailable transmission lines.

Ang mga karagdagang updates ay ilalabas sa oras na mayroon nang impormasyon.

Samantala, nanawagan si Cusi sa lahat na maging mapagmatyag at i-report agad ang mga makikitang panganib sa mga transmission towers o mga power lines sa National Grid Corporation of the Philippines (0917-847-6427/ 0918-847-6427), at sa mga distribution utility o electric cooperative sa inyong mga lugar. (DOE) – jlo

Popular

PBBM hails chefs, establishments that elevate Filipino cuisine on the global stage

By Dean Aubrey Caratiquet ā€œFor Filipinos, food is never just about food.ā€ Reaffirming his support for Filipino cuisine, President Ferdinand R. Marcos Jr. graced the MICHELIN...

PBBM champions sustainable mobility in e-trike assembly plant visit

By Dean Aubrey Caratiquet Consistent with the administration’s thrust towards sustainable mobility, the government continues to express its support for enterprises that share the same...

Pag-IBIG financed homes increase 15% to over 68K in 9 months, socialized housing grows 173% under PBBM’s Expanded 4PH

Pag-IBIG Fund financed over 68,000 homes in the first nine months of 2026, up 15% from the same period last year, as financing for...

PBBM raises corn import quota to 500K MT amid projected supply deficit

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. has increased the Minimum Access Volume (MAV) for imported corn to 500,000...