2 pulis, patay sa isang atake ng mga rebeldeng NPA sa Butuan City

Dalawang pulis ang napatay sa isang atake ng hinihinalang mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Tagulaje, Barangay Antongalon, Butuan City Martes ng umaga, Hunyo 15.

Kinilala ni Police Regional Office Caraga director Brig. Gen. Romeo Caramat Jr. ang mga napatay na pulis na sina Police Executive Master Sergeant (PEMS) Sherwin Roy Cajutol at si Corporal Nazar Libot, pawang mga pulis ng Butuan City Police Office Station 4 (BCPO-4). 

Ayon kay Caramat, ipinadala ang dalawa sa Sitio Tagulaje bandang alas-6 n.u para magsagawa ng follow-up intelligence operation nang salakayin ng mga rebeldeng NPA.

Tinutukan umano sina Cajutol at Libot ng baril, itinali, at kinaladkad ng mga rebelde patungo sa kalapit na bukid, at walang awa silang binaril at pinatay ng mga rebelde doon. 

Nangako naman si Caramat na hahanapin ang mga salarin kahit sa kanilang ‘’areas of stronghold” upang mabigyan ng hustisya ang mga pamilya ng mga biktima.

 

Popular

On Teachers’ Month, DepEd notes good news for teachers

By Brian Campued As the Philippines joins the global community in honoring the invaluable contributions of teachers in shaping the next generation’s leaders and professionals,...

Phivolcs identifies fault that caused magnitude 6.9 Cebu quake

By Brian Campued State seismologists have located the source of the powerful offshore earthquake that jolted northern Cebu and the rest of Visayas on Sept....

PBBM: Launch of new dairy farm to boost local milk production, supply

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday expressed optimism that the inauguration of the Farm Fresh Milk...

PBBM leads distribution of various aid to Aeta communities in Pampanga

By Brian Campued In celebration of the National Indigenous Peoples Month this October, President Ferdinand R. Marcos Jr. led the turnover of various forms of...