Davao City, nakapagtala ng pinakamataas na COVID-19 positivity rate na 48.34%

By Maymay Benedicto | Radyo Pilipinas Davao

Umabot na sa 48.34% ang positivity rate ng COVID-19 sa Davao City na siyang pinakamataas na naitala ng lungsod magmula nang magsimula ang pandemya noong 2020.

Ayon kay Davao City COVID-19 Task Force Spokesperson Dr. Michelle Schlosser, lagpas 1,000 na ang naitatalang bagong kaso ng COVID-19 kada araw sa loob ng tatlong araw dito sa lungsod simula noong Enero 19.

Batay sa pinakahuling report mula sa Department of Health (DOH) Davao Region, pumalo na sa 5,906 ang bilang ng mga aktibong kaso dito sa Davao City, kung saan 1,540 ang nadagdag na bagong kaso kahapon (Jan. 21).

Ayon kay Schlosser, hinihintay pa nila ang data management team at ang prediction ng epidemiologist upang malaman ang kahihinatnan ng kasalukuyang surge o kung kailan bababa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Giit ng opisyal na kahit na karamihan sa mga kaso ay asymptomatic at mild cases, magpapatuloy ang pagkalat ng COVID kung patuloy na lalabag ang mga Dabawenyo sa mga health protocols tulad ng ‘di pagsusuot at hindi tamang pagsusuot ng facemask, at ang hindi pagsunod sa social distancing.

Nanawagan ito sa publiko na sundin ang minimum public health standards, at magpa-booster na ang mga nakakumpleto na ng kanilang second dose na higit na sa tatlong buwan bilang dagdag na proteksiyon mula sa malalang sintomas ng COVID-19. (RPU)

Popular

PBBM orders free train rides for commuters as Labor Day tribute

By Dean Aubrey Caratiquet In recognition of the workers’ dedication and sacrifices towards contributing to the economic progress and growth of the nation, President Ferdinand...

PBBM rallies new cops: Let the people feel presence of law

By Brian Campued “Let our people feel your presence, feel the presence of the law enforcers, feel the presence of the law.” Such was the reminder...

‘Bente Bigas Mo’: P20/kg rice in Kadiwa stores starting May 2 — D.A.

By Brian Campued In pursuance of President Ferdinand R. Marcos Jr.’s goal of making affordable rice accessible to more Filipinos across the country, the Department...

PBBM extends condolences, solidarity over tragic Lapu-Lapu Day Incident in Vancouver, Canada

By Dean Aubrey Caratiquet Lapu-Lapu Day is a celebration held on the 27th of April in honor of the Visayan chieftain who defeated Spanish forces...