Day of Nat’l Remembrance ng SAF-44, pinangunahan ni PNP Chief

By Leo Sarne | Radyo Pilipinas

 

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos ang paggunita sa ikapitong anibersaryo ng tinaguriang “Mamasapano Massacre” kung saan 44 na Special Action Force (SAF) troopers ang nag-alay ng kanilang buhay.

Kasama ni General Carlos si Justice Secretary Menardo Guevarra na panauhing pandangal sa okasyon sa pag-alay ng bulaklak sa bantayog ng SAF-44 sa Camp Bagong Diwa, Taguig kaninang umaga.

Dahil sa umiiral na COVID-19 pandemic, naging virtual ang pakikiisa ng mga kaanak ng mga nasawing SAF troopers at limitado lamang ang dumalo sa naturang okasyon habang sinusunod ang health protocols.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Guevarra na nakapaghain sila ng 35 reklamong direct assault with murder laban sa 88 akusado na nasa likod ng pagkamatay ng SAF-44, kasabay ng pagtiyak ng hustisya para sa mga pamilya ng mga nasawing pulis.

Matatandaang sa araw na ito (Enero 25) noong 2015, 44 na PNP-SAF troopers ang nasawi sa ikinasang Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao kung saan napatay ang Malaysian bomb maker na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan. (Radyo Pilipinas) -rir

Popular

Palace respects SC order to restore P60B PhilHealth fund

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency Malacañang on Friday said it respects the Supreme Court’s (SC) order to restore the Philippine Health Insurance...

Gov’t welcomes lower inflation rate in November 2025

By Brian Campued Malacañang on Friday welcomed the easing of the headline inflation in the country to 1.5% in November from 1.7% in October, amid...

PBBM affirms support for Mindanao troops

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. has reaffirmed his administration’s commitment to strengthening support for soldiers and for lasting peace and order in...

PBBM hails PH-Oman rescue of 9 Filipino seafarers held by Houthis

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Thursday announced that the nine Filipino seafarers who had been held...