Nakumpiska ng bagong tatag na Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) ang P2.9-million halaga ng agarwood mula sa dalawang illegal traders noong Hunyo 15.
Ayon kay ELEPS Director Reuel Sorilla, 18 kilograms ng agarwood na may halagang P2.9-million ang nakuha kina Mark Gil Espino at Nathaniel Avelino sa parking lot ng isang coffee shop na matatagpuan sa West Avenue, Quezon City.
“But the real worth of the contraband is placed at ₱29 million, or at least 10 times more than its market value, if we factor in the environmental services that were lost as a result of the illegal cutting of these threatened trees,” sabi ni Sorilla.
Kabilang sa mga nakuha sa mga suspek ang Asian utility vehicle, cellular phones at weighing scale.
Aniya, nagsimula ang pagtatrabaho ng mga operatiba ng DENR at NBI laban kina Espino at Avelino noong Nobyembre 2020 matapos makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen si NBI Agent Habeas Corpus ng Environmental Crime Division.
Ipinaliwanag pa ni Sorilla na dapat isama sa pagsuma ng kabuuang halaga mula sa environmental crime ang lost environmental services “to drive home the point that a standing tree is way far better than an apprehended undocumented tree.”
“This is where Secretary Roy A. Cimatu’s marching order to ELEPS is anchored. Our paramount objective is one of preemptive defense to deter the commission of environmental crimes by strengthening DENR’s institutional capacity to prevent illegal logging. But if we have to run after the perpetrators, then we will do it,” saad ni Sorilla.
Ang illegal trade ng agarwood ay naging dahilan ng walang habas na pagputol ng lapnisan at lanete na kapwa nabibilang sa national list of threatened Philippine plants batay na rin sa DENR Administrative Order 2007-01, ayon kay Rogelio Demelletes, Jr., DENR senior ecosystems management specialist at ELEPS officer.
“It is very difficult to tell if a tree has produced agarwood, and so this results in the indiscriminate cutting of lapnisan and lanete,” paliwanag ni Demelletes.
Ang agarwood ay produkto ng pagtubo ng klase ng fungal infection na tinatawag na Phialophora parasitic sa loob ng lapnisan at lanete.
Kapag infected na, pinangangalagaan ng puno ang sarili nito sa pamamagitan ng paggawa ng aromatic resin na tinatawag na aloes, isang maitim at moist substance na dahan-dahang pumapasok sa heartwood hanggang ito ay maging “agarwood.”
Sina Espino at Avelino ay kasalukuyang nakapiit sa detention cell ng NBI sa Maynila habang hinihintay ang kasong paglabag sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources and Protection Act at Presidential Decree 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines.
Ang mga lumabag sa batas na ito ay maaaring makulong ng anim hanggang 12 taon at pagmumultahin ng P100,000 hanggang P1 million. – rir