DILG, Napolcom babantayan ang pagsunod ng PNP sa bagong anti-illegal drugs campaign guidelines

Pagkatapos magpalabas ang bagong guidelines para sa kapulisan tungkol sa operasyon laban sa iligal na droga, masusing babantayan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagsunod ng Philippine National Police (PNP) sa rule of law at sa nasabing guidelines.

Sinabi ni DILG Officer-in-Charge Eduardo M. Ano na mamatyagan ng DILG at Napolcom ang pagpapatupad ng PNP sa naturang guidelines upang masiguro na magiging bahagi na ng nakaraan ang mga paratang tungkol sa paglabag sa karapatang pantao laban sa kapulisan na kabilang sa anti-illegal drug operations.

“Inaasahan namin na magiging gabay ng PNP ang bagong guidelines habang sinusuportahan nila ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kampanya laban sa iligal na droga,” ani ni Ano na siya ring chairperson ng Napolcom.

Ipaliwanag pa ng DILG OIC na mas matimbang at mas mabigat ang pananagutan ng kapulisan sa ilalim ng bagong guidelines kaya magiging masigasig ang DILG at Napolcom sa pagsisiguro na ito ay sinusunod ng buong katapatan.

“Ito (guidelines) ang susi sa tagumpay ng ating kampanya laban sa iliga na droga, lalo na kung susuportahan at susundin ito ng buong kapulisan,” sabi ni Ano.

Muling binanggit ng DILG chief ang kanyang panawagan sa kapulisan na ang pagdoble ng kanilang sahod ay nangangahulugan din ng dobleng oras sa paglilingkod sa mamamayan. “Mas mabigat ang pananagutan ng mga pulis ngayon. Sa pagtaas ng kanilang sahod, dapat ay pagbutihin nila ang kanilang trabaho kundi ay maaari silang masibak sa tungkulin.”

Sinabi pa niya na dahil sa 100% na pagtaas ng sahod, dapat doblehin rin ng PNP ang kanilang pagsisikap na tanggalin ang bulok na itlog sa kapulisan.

Command responsibility

Kabilang sa guidelines ay ang command responsibility ng bawat unit commander na inaatasang masinsing imonitor ang gawain ng kanyang mga tauhan na nagsasagawa ng anti-illegal drugs operations.

Maaari ring makasuhan ng serious neglect of duty ang isang pulis kapag hindi niya inireport ang mga illegal drug activities at personalities sa kanyang komunidad.

Ang ‘One-strike policy’ ay ipapatupad naman laban Chief of Police kung ang kanyang tauhan ay inaresto o kinasuhan ng ibang operating units dahil sa pagkakasangkot sa iligal na droga; sa Provincial Director kapag dalawang pulis o higit pa na tauhan niya ang sinibak dahil sa iligal na droga; at kapag dalawang PDs o City Director or higit pa ang sinibak dahil sa iligal na droga.

“Lahat ng mga ito at ang iba pang probisyon ng PNP operational guidelines at ang pagtalima ng PNP sa mga polisiya tungkol sa kampanya laban sa iligal na droga ay imomonitor ng DILG at NAPOLCOM upang linisin ang PNP at tanggalin ang mga nagkasalang pulis,” sabi ni Ano.

Ireport ang pang-aabuso ng mga pulis

Hinimok ni Ano ang publiko na lumantad at huwag matakot kung mga pang-aabusong ginawa ang mga pulis sa mga operasyon laban sa iligal na droga.

“‘Wag po kayong mag-atubili na i-report ang mga pulis na nagmamalabis sa kanilang tungkulin. Sisiguruhin ko sa inyo na masisibak sila sa tungkulin kapag napatunayang nagkasala sila sa batas,” aniya.

Ayon pa kay Ano, maaaring magsumbong ang publiko sa mga DILG field offices, NAPOLCOM, o sa pinakamalapit na People’s Law Enforcement Board (PLEB). (DILG-PR)

Popular

DSWD completes 2nd wave of relief aid in quake-hit Cebu

By Brian Campued The Department of Social Welfare and Development (DSWD) has completed its second wave of food aid in Cebu as residents continue to...

What is a doublet earthquake?

By Brian Campued On Friday morning, at 9:43 a.m., a magnitude 7.4 earthquake struck Manay, Davao Oriental—about nine hours later, at 7:12 p.m., another temblor...

‘Destructive’ tsunami expected following another DavOr quake

By Brian Campued The Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) on Friday night warned of possible tsunami following another strong earthquake, which jolted the...

Gov’t relief, emergency response underway after Davao quake

By Brian Campued Upon the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr., various government agencies have immediately mobilized to provide assistance to the areas affected...