Umalma ang Department of National Defense (DND) sa pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua ukol sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaaring ituring na espiya sa Tsina. Bwelta ni DND Sec. Delfin Lorenzana, dumaan sa tamang proseso ang mga Pilipinong nagtatrabaho roon.
