Umabot na sa 1,103,945 ang kabuuan ng mga gumaling mula sa COVID-19 sa Pilipinas matapos makapagtala ng 7,981 new recoveries ang Department of Health (DOH) noong Sabado (Mayo 22).
Ito ay katumbas ng 93.7% na bilang ng mga gumaling mula sa sakit na ito.
Nasa 6,831 naman ang naidagdag na kaso at 183 ang namatay mula sa sakit na COVID-19 ngayong araw.
Sa kabuuan, higit 1,178,217 na ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas at tinatayang 19,946 na ang namatay mula rito. – Ulat ni Stephanie Sevillano / CF-rir
Ngayong 4 PM, Mayo 22, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 6,831 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 7,981 na gumaling at 183 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.6% (54,326) ang aktibong kaso, 93.7% pic.twitter.com/pawwE9dJLB
— Department of Health (@DOHgovph) May 22, 2021