Patuloy pa rin ang pagdami ng bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Linggo (Mayo 30).
Pumalo na sa 1,223,627 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19, ngayong nadagdagan pa ito ng 7,058 na bagong kaso.
Samantala, 6,852 naman ang gumaling ngayong araw sa sakit na ito. Sa kabuuan, 1,149,010 ang naitaling gumaling sa COVID-19.
Ngayong araw, 139 ang nadagdag sa kabuuang bilang na 20,860 na mga namatay sa COVID-19.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergiere, bumabagal ang pagbaba ng kaso ng COVID sa National Capital Region (NCR) at sa Plus areas na binubuo ng Cavite, Rizal, Laguna, Laguna, Metro Cebu, at Metro Davao sa nagdaang dalawang linggo.
– Ulat ni Mica Joson / CF-jlo