DOLE naglabas ng patakaran sa sahod para sa holiday ng 2018

Batay sa Presidential Proclamation No. 269, s. 2017 na nagtatakda ng regular holiday at special non-working holiday para sa taong 2018, nagpalabas ang Department of Labor and Employment ng labor advisory na nag-aatas sa tamang pasahod para sa mga nasabing holiday.

Ang Labor Advisory No. 10, s. 2017, “Payment of Wages for the Regular Holidays and Special (Non-Working) Holidays for the Year 2018,” ang magiging gabay ng mga employer sa pribadong sektor sa listahan ng holidays para sa 2018 at kung paano ang pagkuwenta ng sahod kung nagtrabaho ang kanilang manggagawa sa nasabing mga araw.

Ang mga regular holiday ay Bagong Taon (Enero 1), Huwebes Santo (Marso 29), Biyernes Santo (Marso 30), Araw ng Kagitingan (Abril 9), Araw ng Paggawa (Mayo 1), Araw ng Kalayaan (Hunyo 12), Araw ng mga Bayani (August 27), Araw ni Bonifacio (Nobyembre 30), Araw ng Pasko (Disyembre 25), at Araw ni Rizal (Disyembre 30).

Kabilang din sa ginugunita ang Eidul Fitr at Eidul Adha, ang proklamasyon ay ipalalabas matapos matiyak ang petsa ayon sa Islamic calendar o ang lunar calendar, o batay sa Islamic astronomical calculations.

Para sa mga nasabing holidays, ang ginampanang trabaho sa mga nasabing araw ay dapat bayaran ng 200% ng regular na sahod ng empleado para sa unang walong oras o [(Arawang Kita +COLA) x 200%]; samantalang ang trabahong ginampanan na mahigit sa walong oras (overtime), ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng orasang kita ng empleado o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Samantala, ang trabahong ginampanan sa mga nasabing araw na siya ring araw ng pahinga ng empleado ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang arawang kita ng 200% o [(Arawang Kita + COLA) x 200%] + [30% (Arawang Kita x 200%)]; samantalang ang trabahong ginampanan ng mahigit sa walong oras (overtime), ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita, o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 200% x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Gayunpaman, kung ang empleado ay hindi nagtrabaho sa mga nasabing araw, dapat siyang bayaran ng 100% ng kanyang sahod sa araw na iyon o [(Arawang sahod + COLA) x 100%].

Sa kabilang banda, ang special (non-working days), ay Chinese New Year (Pebrero 16), EDSA Revolution Anniversary (Pebrero 25), Black Saturday (Marso 31), Ninoy Aquino Day (Agosto 21), at All Saints Day (Nobyembre 1). Disyembre 31, Disyembre 24 at Nobyembre 2 ay karagdagang special non-working days.

Ang patakaran para sa mga nasabing holidays para sa ginampanang trabaho, dapat bayaran ang empleado ng karagdagang 30% ng kanyang arawang sahod para sa unang walong oras o [(Arawang Sahod x 130%) + COLA]; samantalang ang trabahong ginampanan ng mahigit sa walong oras (overtime), siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Para sa trabahong ginampanan para sa mga nasabing araw na siya ring araw ng pahinga ng empleado, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50% ng kanyang arawang kita para sa unang walong oras, o [(Arawang sahod x 150%) + COLA]; samantalang para sa trabaho na mahigit sa walong oras (overtime), siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30% ng kanyang orasang kita, o [(Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150% x 130% x bilang ng oras na trinabaho)].

Kung ang empleado ay hindi nagtrabaho, ang patakaran na ‘no work, no pay’ ang dapat gamitin maliban lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagtatakda ng kabayaran para sa special holidays. | DOLE-PR

Popular

PBBM unbothered by dip in ratings, decline due to fake news – Palace

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency On Monday, April 21, Malacañang said President Ferdinand R. Marcos Jr. remains focused on governance despite a...

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...