DOLE sa employers: Holiday pay rules, sundin

Kasunod ng pagdiriwang ng kapaskuhan, nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers sa pribadong sektor na sundin ang tamang panuntunan sa pasuweldo para sa Pasko, Rizal Day, at Bagong Taon.

Alinsunod sa Proclamation No. 50, Series of 2016 na pirmado ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 16, 2016 kung saan idinedeklara ang Disyembre 25 at 30, 2017, at Enero 1, 2018 bilang mga regular holiday ay naglabas ang labor department ng Labor Advisory No. 13 na nagtatakda ng tamang pasuweldo para sa mga nasabing holiday:

Kapag ang empleyado ay hindi nagtrabaho, babayaran pa rin siya ng 100 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw, gayundin ng kanyang Cost of Living Allowance [(Arawang suweldo + COLA)] x 100%];

Kapag pumasok naman ang empleyado sa trabaho, babayaran siya ng 200 porsiyento ng kanyang suweldo para sa isang araw para sa unang walong oras ng trabaho, gayundin ng kanyang COLA [(Arawang suweldo + COLA) x 200%].

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho nang lagpas sa walong oras, babayaran siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x bilang ng oras na tinrabaho).

Kapag ang empleyado ay nagtrabaho at nataon na ang mga araw na ito ay kanyang day-off o rest day, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod na 200 porsiyento [(Arawang suweldo + COLA) x 200%] + [30% (Arawang suweldo x 200%)];

Sakali namang mataon na day-off ng empleyado at nagtrabaho siya ng overtime, tatanggap siya ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang hourly rate para sa nasabing araw (Hourly rate ng arawang suweldo x 200% x 130% x 130% bilang ng oras na tinrabaho). (DOLE)

Popular

Palace won’t interfere with HOR Dolomite Beach probe, warns against politicking

By Dean Aubrey Caratiquet Citing an upcoming probe on Manila Bay’s Dolomite Beach to be held by the House of Representatives on November 17, the...

PBBM orders early release of 2025 year-end bonus, cash gift for gov’t workers

By Brian Campued Government workers are set to receive their 2025 year-end bonus that is equivalent to one month's basic salary as well as a...

PBBM ‘hard at work’ to alleviate poverty, uplift PH economy

By Dean Aubrey Caratiquet Malacañang assured the masses that the government is doing everything in its power to uplift Filipinos’ lives, by stemming poverty at...

PBBM hopes for peaceful Bonifacio Day protests

By Dean Aubrey Caratiquet  Acknowledging the citizenry’s outrage over the flood control mess and anticipating mass demonstrations on November 30, President Ferdinand R. Marcos Jr....