DOST: 2021 ranggo ng PH sa Global Innovation Index, ibubunyag sa Set. 21

Sa isang virtual press conference sa pangunguna ng Department of Science and Technology (DOST) sa Martes (Set. 21), ihahayag ng mga opisyal ng World Intellectual Property Organization (WIPO) ang marka ng Pilipinas sa Global Innovation Index (GII) sa larangan ng inobasyon kumpara sa 131 bansa.

Ito’y mapapanood ng live sa PTV broadcast at sa livestream ng Facebook pages ng DOST at PTV, mula 9:00-10:30a.m.

Ang GII ay isang ulat na taunang inilalabas sa pangunguna ng WIPO kung saan makikita ang innovation performance ng iba’t-ibang bansa sa mundo.

Ayon sa DOST, maraming nabago ang coronavirus sa ating bansa. Naipatupad sa Pilipinas ang bagong health protocols, social distancing, at travel restrictions. Inilatag din ang iba’t-ibang antas ng “granular lockdown.”

Magda-dalawang taon na ang pandemya sa bansa. Iisa lamang ang pamamaraan upang makaligtas, makaiwas, at maging tagumpay sa mga hamon nito – ito ay innovation mula sa agham at teknolohiya.

Ang kakayahan sa inobasyon na ilalarawan ng WIPO ay matagal nang ginagamit ng mauunlad na bansa, upang bigyan ng karampatang suporta ang kanilang industriya para makalaban sa pandaigdigang merkado.

Ngayong panahon ng pandemya, umigting ang pangangailangan sa inobasyon dulot ng mga makabagong hamon sa social distancing at lockdowns.  Isa ang DOST sa mga ahensya ng pamahalaan na nakapaghandog sa bayan ng mabilis na aksyon gamit ang mga bagong teknolohiya mula sa output ng research and development (R&D).

Health innovations

Kamakailan lang ay naidaos ng DOST ang ‘Big 21 in  2021’ event kung saan ipinahayag ang mga teknolohiya at inobasyon na magagamit ng mga Pilipino laban sa COVID-19. Nangunguna na rito ang health technologies gaya ng:

  1.   BreathSim: The DOST Breathing Simulator – Sa pamamagitan ng device na ito ay masusuri ang mga ventilators, respirators, at iba pang respiratory devices “in terms of their functionality and conformity to the standards.”  Makakapagbigay din ito ng platform para ma-train ang medical personnel ukol sa respiratory care.
  2.   Clinical trials of lagundi, tawa-tawa, and virgin coconut oil (VCO) as treatment or adjunctive therapy against COVID-19 – ito ay pag-aaral sa pagiging epektibo ng lagundi, tawa-tawa, at VCO bilang potential alternative treatment sa COVID-19.
  3.   Tuklas Lunas Program taps PH biodiversity for locally-developed health products – kung saan pag-aaralan ng mga Pinoy scientists, researchers, at chemists kung paano ang mga halaman at iba pang yamang kalikasan ng Pilipinas ay maaaring maging sangkap na gagamitin sa paggawa ng gamot para sa lifestyle diseases ng mga Pilipino gaya ng  hypertension, gout, inflammation, at diabetes.

Mayroon ding mga teknolohiya na magagamit para sa pag-unlad ng bawat rehiyon ng bansa, sa tulong ng Niche Centers in the Regions (NICER) for R&D, na isang sub-program ng Science for Change Program (S4CP). 

Sa pamamagitan ng mga NICERs, nagkaroon ng capacity-building sa mga unibersidad sa bawat rehiyon ng Pilipinas sa pagsasagawa ng de-kalidad na pananaliksik, nakalikha ng mga job opportunities, at napataas ang produksyon ng mga mahahalagang commodity sa mga lalawigan gaya ng potato, garlic, queen pineapple, native pig, native chicken, cacao, sea cucumber, seaweeds, at marami pang iba.

Sa patuloy na suporta ng pamahalaan at pagtangkilik ng pribadong sektor sa mga locally-produced innovations, siguradong mas mapapaganda ang estado ng bansa sa ranking ng GII 2021.

S4CP Bill

Samantala, isinusulong ng DOST sa Kongreso ang S4CP bill.

Layunin ng S4CP ang maipamahagi ang pondo nang maayos sa lahat ng rehiyon at bigyan ng kaukulang oportunidad ang mga lokal na researchers.

Kung maipapasa ang S4CP bill ay masisigurado na ang mga programang nasa ilalim nito ay magiging prayoridad sa pagbibigay nang tuloy-tuloy na kaukulang pondo at suporta ng pamahalaan. (DOST)  – jlo

Popular

PBBM finalizing E.O. on flood control probe body —Palace

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. is finalizing the executive order (EO) for the creation of an independent commission, which will be tasked...

DPWH chief orders dismissal of Bulacan engineers amid ‘ghost’ flood control projects

By Brian Campued Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon on Thursday ordered the summary dismissal from service of former Bulacan 1st...

Dizon vows ‘honest to goodness’ review of DPWH budget within 2 weeks

By Brian Campued Pursuant to President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive for a sweeping review of the Department of Public Works and Highways’ (DPWH) proposed...

BOC secures 12 of Discaya family’s luxury cars

By Brian Campued The Bureau of Customs (BOC) on Tuesday night secured 12 luxury vehicles reportedly owned by contractor couple Pacifico “Curlee” and Cezarah “Sarah”...