DOST: MSMEs, susi sa innovation capability ng bansa

Ang kaukulang suporta na ibinibigay ng gobyerno para sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs) at iba pang lokal na pribadong kumpanya ay naging bahagi sa pagkakaroon ng magandang innovation capability ng Pilipinas.

Nakamit ng Pilipinas ang ika-51 ranggo sa Global Innovation Index 2021 report na taunang inilalathala ng United Nations specialized agency na World Intellectual Property Organization (WIPO).

Sa isang online press conference na ginanap noong Martes (Set. 21), ang Pilipinas ay nakilala sa pagbahagi ng innovation, lalo na sa business sector. Sa katunayan, ang resulta ng mga innovations na mga ito ay halos kapantay, at ang ilan ay higit pa, sa mga bansang maituturing na high-income economies.

Ang Department of Science and Technology (DOST) ay patuloy ang suporta sa pagpapalago at pagpapaunlad ng mga MSMEs sa pamamagitan ng mga proyekto gaya ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

Ang proyekto ito ay nagbibigay tugon upang makilala ang MSMEs hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Sa  tulong ng DOST, nakagawa ang ilan ng mga ito ng locally-developed test kits, biomedical devices, disease model, at iba pang mga applications.

“Dahil alam na natin kung saang larangan tayo higit na kailangan, ito ang ating magiging gabay sa paglalaan ng pondo para sa innovation,” saad ni DOST Sec. Fortunato de la Peña. 

““Halimbawa na lamang ng ating magpagtanto ang halaga na tayo ay makapagpasagawa rin ng detection kits. Kung kaya’t ang DOST ay patuloy ang suporta sa mga kumpanyang kagaya ng Manila HealthTek na isang private business working on research and development. Sa pondong laan ng DOST, tayo, kasama ang Manila HealthTek ay nakagawa ng affordable and reliable COVID-19 test kits,” dagdag ng kalihim.

Ayon naman kay Undersecretary for Research and Development  Dr. Rowena Cristina L. Guevara, “Inumpisahan na natin ang pag-capacitate sa mga business sa pamamagitan ng Business Innovation Through Science and Technology (BIST) Program at gayundin ang pagtatatag ng partnerships between enterprises/businesses and universities or government R&D institutions sa pamamagitan ng CRADLE (Collaborative Research and Development to Leverage Philippine Economy) program.”

Sa GII 2021 report, ang Pilipinas ay ika-apat sa 34 lower middle-income group economies at ika-11 sa 17 bansa  sa South East Asia, East Asia, at Oceania.  Gamit ang 80 indicators, ang GII ay sinusuri ang innovation capabilities ng higit 130 bansa sa mundo.

Hinirang ang Pilipinas bilang isa sa limang bansa sa mundo na naging mahusay ang performance sa innovation kasama ang China, Turkey, Vietnam, at India.  

Nailathala din ang magandang pagganap ng bansa pagdating sa dalawang aspeto ng GII, gaya ng business sophistication at knowledge and technology outputs.

 Kahit mas mababa ng isang rango ang Pilipinas kumpara sa marka nito nuong 2020, maganda pa din ang performance ng bansa.  Nuong taong 2014 ay nasa pang 100 rango ang bansa. 

Kasama sa virtual press conference ang mga kalihim ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno na sina: 

  • Trade Sec. Ramon M. Lopez
  • Information and Communications Technology Sec. Gregorio Honasan
  • Economic Sec. Karl Kendrick Chua
  • Defense Sec. Delfin Lorenzana
  • Health Sec. Francisco Duque III 
  • Environment Sec. Roy A. Cimatu
  • Energy Sec. Alfonso G. Cusi 
  • Agriculture Sec. William D. Dar
  • Transportation Sec. Arthur Tugade
  • Commission on Higher Education Chair Prospero E. de Vera
  • Intellectual Property Office of the Philippines Director-General Rowel S. Barba

 Kasama rin ang ilang miyembro ng WIPO na sina Dr. Sacha Vincent and Marco Aleman. (DOST) – jlo

 

Popular

PBBM decries ‘gangster attitude’ over road rage incidents

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Monday denounced what he described as a growing culture of aggression...

Palace hails PH humanitarian team for Myanmar quake response

By Darryl John Esguerra | Philippine News Agency Malacañang commended members of the Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PIAHC) who returned Sunday evening from a mission...

AFP welcomes ‘West PH Sea’ inclusion on Google Maps

By Brian Campued The inclusion of the West Philippine Sea (WPS) on Google Maps further asserts the country’s internationally recognized sovereign rights over its maritime...

PDEA: Gov’t operatives seize P6.9-B illegal drugs in Q1 2025

By Christopher Lloyd Caliwan | Philippine News Agency The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) said Friday law enforcers confiscated P6.9 billion worth of illegal drugs...