DPWH, DOE, hirap magpaabot ng rehab team sa Palawan

By Kath Forbes | Radyo Pilipinas Uno

Pinakikilos ni House Transportation Committee Chair Edgar Mary Sarmiento ang Office of Civil Defense (OCD) na mag-deploy ng dagdag na komunikasyon sa Palawan.

Ito’y matapos aminin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Energy (DOE) na hirap silang magpadala ng team para sa restoration efforts sa Palawan dahil sa kawalan ng komonikasyon.

Ayon kay DPWH Dir. Jun Gregorio, hanggang 6:00 a.m. kaninang umaga (Dis. 24), sa 46 road sections na isinara dahil sa bagyo, 39 na ang cleared habang nasa pito pa rin ang sarado.

Ang pitong ito ay mga tulay na apektado aniya ng electric lines na kailangan muna i-clear ng DOE.

Ang apat dito ay nasa Region 7, isa sa Region 13, at dalawa sa Region 4-B, partikular na nga sa Palawan.

Nilinaw naman ni DOE Electric Power Industry Management Bureau Dir. Mario Marasigan na walang nasirang power generation facility, ngunit maraming distribution at transmission lines ang natumba.

Sa 700 transmission line at 600 poles na apektado ay halos na-restore na aniya tulad ng Panay island.

Ngunit tulad ng DPWH, hirap silang makapagpadala ng tauhan sa Palawan dahil isolated ang lugar at hirap sa komonikasyon.

Nangako naman ang OCD na daragdagan ang limang SAT phones na naunang ipinadala sa Palawan. (Radyo Pilipinas) – jlo

Popular

PBBM champions early childhood education

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday distributed 35 school bags and a Starlink unit in La Paz Child Development Center (CDC)...

PBBM welcomes expansion of Bulacan cold storage facility

By Brian Campued President Ferdinand R. Marcos Jr. touted the expansion of the Royale Cold Storage (RCS) facility in Bulacan as a welcome development in...

Palace: PBBM wants to boost defense to protect PH territory

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. is pushing for stronger defense to protect Philippine territory, particularly in the...

PBBM to LGUs: Finish classroom construction, avoid substandard work

By Ruth Abbey Gita-Carlos | Philippine News Agency President Ferdinand R. Marcos Jr. on Friday urged the local government units (LGUs) to ensure the timely...